LAYUNIN NG SBA NA GAWIN PROPESYONAL AT MAGING PAMBANSANG LARO ANG BILLIARD
The Sharks Billiard Association (SBA) inaugural season sa state-of-the-art Sharks Arena & Sportsbar sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue, Quezon City
Ipapakita ng mga nangungunang propesyonal na manlalaro ng bansa ang kanilang mga talento sa pag-asang maging susunod na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa event na sinanction ng Games and Amusement Board (GAB).
“Layunin ng SBA na bigyan ang milyun-milyong Pilipinong mahilig sa billiard ng pagkakataon na mahasa at ipakita ang kanilang mga husay, at isulong ang pagmamahal sa laro — sa pamamagitan ng pagtiyak ng integridad at pagiging patas para sa mga propesyonal na bilyar sa Pilipinas,” sabi ng founder at chief executive officer ng SBA na si Hadley Mariano sa isang pahayag nitong Huwebes
(Buboi Patriarca)

(Photo Credit to SBA fb page)