Filipino-Indian | Tinanghal na QUEEN ISABELA 2025
ILAGAN CITY | Isang Filiino-Indian na tubong Cauayan City ang kinoronahang Queen Isabela 2025 sa Capital Areana sa lungsod ng Ilagan.
Siya si Miss Jarina K. Sandhu, na ayon sa mga netizens at may hawig kay Harnaaz Sandhu na Miss Universe 2021.
Si Jarina ang mag rerepresent sa probin-sya ng Isabela sa gaga-naping Miss Universe Philippines 2025.
Kinoronahan din sina Mhira Angelene Valen-ciano ng Cordon bilang Queen Isabela Tourism; Johnlene E. Ariola mula sa Ilagan City ng titulong Quuen Isabela Culture and the Arts.
First runner-up naman ang beauty ni EunisseTaguinod ng Echague; at Second runner-up si Criselle Anne Gregorio ng Ramon.
Kabilang sa top 10 ang kalahok na mula Santo Tomas na si Richimie Maisi; Ashlee Infante ng Alicia, Hariette Joy Baquiran ng Tumauini, Princess Diane Antolin ng San Mateo; at Angel Gutierrez na galing namn ng Naguillan.
Ang ilan sa mga hurado sa Grand Coronation Night ay sina Albert Andrada, world-renowned designer; ang actres na si Miss Angel Aquino; at Miss Universe 2013 3rd Runner-Up Miss Arielle Arida. Nagsilbing host naman ng event sina Rayver Cruz at Emma Tiglao.
(Weng Torres)
(Photo Credit to | Cauayan City Local Government)
