Habang nalalapit ang 2025 Midterm Elections BANGAYAN NG MGA DUTERTE, MARCOS LALALA PA!
PINANGANGAMBAHAN ng taumbayan na lalo pang magiging malala ang batuhan ng putik sa pagitan ng mga Marcos at Duterte hanggang May 12, 2025 Midterm Elections.
Sa pag-iikot ng ROADNEWS Investigative Team at pagtatanong , sa ilang mamamayan inaasahan na nila ang lalo pang pagtindi ng batuhan ng mga akusasyon ang magkabilang kampo.
Matatandaan na unang puntirya ng ilang mga kongresista ang pondo ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Inday Sara Duterte. Partikular na inungkat ng mga kongresista ang pondo ni VP Sara ay ang kanyang Confidential Fund (CF) na nagkakahalaga ng 612 milyong piso (P612.5-M). Sa pondong ito ay nagkaroon ng pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kung saan ay inim-bestigahan ang ilang mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP), DepEd at maging mismo si VP at dating DepEd Secretary Sara Duterte.
Ang imbestigasyon ng CF sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pinangu-nahan ni House Committee on Good Government and Public Accountability chair Rep Joel Chua ng Maynila para alamin nila kung nagamit ba ng tama ang P612.5 milyong pondo. Ang CF ay napunta umano saOVP na may halagang P5-M at P112.5-M sa DepEd na may kabuuang P612-M.
Sa masusing imbestigasyon ng Kongreso kay OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta inamin niya na ibinigay niya ang CF na nagkakahalaga ng P125-M cash kay Col. Raymundo Dante Lachica ang commander ng Vice Presidential Security and Protection Group noong Dec. 20, 2022. Sinabi naman ni DepEd SDO Edward Fajardo na ang P37.7-M CF para sa first quarter ng 2023 ay ibinigay niya kay Col. Dennis Nolasco na nakatalagang security officer ng DepEd. Lumalabas na ang naibigay nina SDOs Acosta at Fajarda sa dalawang nasabing opisyal ng militar ay nagkakahalaga ng P612-M. Nakalkal din sa pagdinig ng Kongreso ay ang mga pangalan na sina Mary Grace Piatos, Kokoy Villamin at iba pa na pawang nabigyan ng CF ng OVP at DepEd subalit ang mga pangalang ito ay wala umano sa listahan ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang usaping ito ay humantong sa apat na impeachment na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng ibat-ibang grupo. Samantala pinag-aaralan naman ang kasong isasampa kina SDOs Acosta, Fajarda dalawang opisyal ng militar na sina Col. Lachica at Nolasco.
Nauna nang nagsimulang uminit ang bangayan ng mga Marcos at Duterte nang magsalita si dating Rodrigo Roa Duterte sa isang pagtitipon sa Mindanao nang sabihin niyang bangag o gumagamit ng illgeal drugs si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Nagkomento din si Pangulong Duterte sa isinusulong dati na Charter Change ng Kongreso dahil nais umanong manatili sa pwesto si PBBM at maging Prime Minister naman si House Speaker Martin Romualdez. Hindi umano sumangayon si Pangulong Duterte sa panukalang ito na sinabi niya na ang nasa likod nito ay sina Speaker Romauldez at Fist Lady Liza Araneta-Marcos.
Ang mga bangayang ito ng magkabilang kampo ay humanto sa paghihiwalay ng dating magkatandem na sina Inday Sara at BBM. Habang nalalapit ang halalan sa May 12, 2025 ay lalo pang umiinit ang batuhan ng magkabilang kampo. Ang May 12, 2025 ay preparasyon umano sa nalalapit na 2028 national elections na inaasahan na tatakbong Pangulo si VP Sara at sinasabing tatapatan ni Speaker Romualdez.