KAPANGYARIHAN NG COMELEC SA PAGDEKLARA NG NUISANCE, NAGAGAMIT NA BA PARA SA PANSARILING INTEREST LANG NG IILAN?

Dalawang schedule na ng pa-imprenta ng balota para sa nalalapit na Mayo 2025 eleksyon ang nasasayang. Ayon na din ito sa utos ng korte suprema na isama sa balota ang ilan sa mga dineklarang nuissance candidate ng Comelec. Ito yung mga kandidato na ABALA lang o kaya mga PANG-GULO lamang, subalit nakikita naman ng kataas-taasang hukuman na sila ay mayroon karapatan. Sa mga ganitong pangyayari ay sino ba talaga ang apektado? Ngayong alam na alam natin na ang ginagastos dito ay hindi basta bastang halaga. Lalo sa anim na million masasayang na balota, dahil sa utos ng korte na pwedeng tumakbo ang ibang dineklarang nuisance.
Ano nga ba talagang batayan para makasali sa Halalan? Sabi nila, dapat daw ikaw ay nasa hustong gulang, Filipino citizen, marunong bumasa at sumulat. Malinaw na halos lahat ay pwede magfile ng kanilang COC. Ngunit bkit isa sa mga napakadaming dahilan ng padeklarang ikaw ay panggulo ay dahil sa wala kang tamang pangastos o pansuporta sa kampanya. Paano na ang karapatan mo na maibahagi ang iyong kaalaman na naipagkakait lamang sa iyo dahil sa kakapusan. Para na din nating sinabi na ang mahirap ay walang karapatan na manilbihan sa bayan, Sabi ng ilan oo wala silang karapatan kasi kung sarili nila ay hindi nila kayang palaguin paano nila sasabihin na tutulungan nila ang taong bayan o di kaya ang taong bayan ang tutulong sa kanila para lumago. May katuwiran naman, pero sana taongbayan ang magpapasya para sa bagay na yan at hindi ang ilan na nakaupo sa posisyon at ilan na abuso lamang sa kanilang tungkulin na ginagampanan.
Madaming nakaupo na sa mataas na posisyon na mababa lamang ang kanilang edukasyon at limitado ang kaalaman. Sila ay nabigyan ng prebilehiyo na manungkulan dahil lamang sa interest ng Ilan at sa kadahilanan na mayron silang resources para sa malawakang kampanyahan. Sana lang hindi totoo na sila ay nakasama lamang sa Halalan NAAPRUBAHAN dahil lamang sa ngkaroon ng lagayan…
Hindi po ito usapin ng mahirap at my pinagaralan ang gusto lang natin ditong malaman ay bakit my tinatangalan ng karapatan para manilbihan dahil lamang sa kakapusan? At bakit my mga nakaupo na masasabi nating kulang naman sa kaalaman? Ito ba ay isang diskriminasyon o dahil sa interest lang ng iilan? Dahil sa bandang dulo, alin man ang tama o mali diyan, iisa lng talo, ang taong bayan. Kaya sana pantay na karapatan at pantay na pagtingin ang ibigay sa mga taong ang nais lamang ay magbahagi ng kanilang natutunan, karanasan at puso na gusto lamang ay manilbihan…
Maari po kayong mag parating ng suhestiyon sa numero 09270754691 at mikelrosario81@gmail.com