LIGA NG NAGKAKAISANG MAHIHIRAP PartyList 112: Sinusuportahan ng Masang Pilipino!
Suportado ng mamamayan ang Liga ng Nagkakaisang Mahihirap Partylist. Iyan ay base sa isinagawang survey ng Insight Pioneers noong nakaraang Disyesbre ng 2004.
Sa 156 Party-list na sinurvey ng kumpanya nasungkit ng Liga ng Nagkakaisang Mahihirap ang ika-21 na na pwesto.
Bagaman ngayong 2025 Midterm election palang sasabak ang partylist na ito ay tumatak na sila sa isipan ng mga tao dahil sa mga magaganda nitong adhikain at plataporma.
Ang layunin ng Liga ay ang tumulong sa mga indibidwal, pamilya, sektor, at kumunidad upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng kahirapan. At upang maging mas malusog, mas produktibo, at mas masaya ang lipunan.
Kabilang sa mga nais gawin ng LIGA ay magkaroon ang bawat mamammayan ng KKK “Kabuhayan, Kabahayan, Kalusugan, Kaligtasan, at Kahusayan o Kagalingan.
Misyon ng LIGA ang makapagbigay ng suporta at ang pag-LINGAP sa lahat ng mga nasalaylayan na indibidwal, pamilya, sektor at komunidad. Makapag dulot sa kanilang lahat ng tibay at kalakasan upang harapin ang hamon ng buhay. Kasama ng bawat isa ang Liga sa pagharap sa mga hamon. Inaasahan ng grupo na tataas pa sa survey ang LIGA habang papalapit ang araw ng halalan.
Tuloy tuloy ang kanilang programa na pag-lingap sa buong Pilipinas.
KSPHO sa RoadNews
