300 plus na kilometro, nilakbay ni Phillip Salvador makapunta lang sa family reunion sa malayong Quezon Province

Bilib naman talaga ako sa premyadong aktor na si Phillip Salvador. Imagine. Natalukap niya kami sa aming malayong bayan sa Lopez, sa lalawigan ng Quezon kamakailan.

Napakalayo ng aming lugar, mga humgit-kumulang sa 300 kilomerro mula sa Maynila. Pero dumating si Phillip sa Villasant Clan Reunion namin sa Mom’s Backyard sa Lopez, Quezon.

Walang kaginsa-ginsa ay namulatawan na lang naming nasa parking lot na ang kotse ng aktor at lumalabas na sa kanyang sasakyan. Araw ni Jose Rizal noon, ika-30 ng Disyembre, 2024 at nagsama-sama nga ang angkanang Villasanta para sa taunang reunion.

Dahil nagkita kami ni Ipe sa Senate kamakailan, nakuha ko ang kanyang telephone number. Naisipan ko siyang anyayahan sa aming reunion kaya nag-text ako sa kanya. Ang eksaktong mensahe ko sa kanya ay imbitasyon. “…

Wala akong maipapangako sa’yong anuman except our hospitality.” Apat na araw ‘yon bago ang pasinaya at wala siyang sagot.

Sinapantaha kong hindi siya makakarating.

Hanggang pinilit talaga niyang makarating sa Lopez. “Na-touch ako sa sinabi mong wala kang maipapangako sa akin except ang ‘yong hospitality,” pag-uulit niya sa amin nang nasa piling na namin siya.

Giliw na giliw ang mga Villasanta kay Ipe na kandidatong ring senador sa darating na midterm elections.

Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong hindi lang para sa halanan ang kanyang pagpunta sa reunion kundi dahil sa aming pagkakaibigan at mga pinagsamahan.

“Galing pa ako ng Mindanao kahapon,” wika ni Ipe kinabukasan sa Villasanta Clan Reunion. “Umuwi lang ako sa bahay at umagang-umaga, nagpunta na kami rito sa Lopez,” kuwento ni Salvador.

Kaya naman hindi makapaniwala ang mga kasapi ng Villasanta sa pisikal na presensiya ng aktor sa pagtitipon. Mabuhay ka, Ipe!

(Boy Villasanta)

Si Phillip Salvador kasama si Benilda Ferreras (Photo Credit: Benilda Ferreras)