QC GOV’T MAG-IIMBESTIGA NA RIN VS BESTLINK COLLEGE
Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan laban sa insidenteng kinasasangkutan ng pribadong eskwelahan na nakabase sa Quezon City kaugnay sa kanilang off-campus activity sa isang resort sa Hermosa, Bataan noong nakaraang Linggo, Enero 26, 2025.
Ang Quezon City Council sa pangunguna ni QC Vice Mayor Gian Sotto ang magsasagawa ng imbestigasyon para malaman ang mga insidente na naganap sa 23rd Founding Anniversary BCP sa nabanggit na lugar.
Ang inisyatibang ito ay sa pamamagitan ni Majority Leader Dorothy “Doray” Delarmente at Councilor Aly Medalla, Chairperson ng Committee on Education upang malaman ang mga pagkukulang ng BCP na posibleng hindi sinunod ng nasabing paaralan.
“The safety of students is a matter that transcends jurisdictions. This investigation reflects our firm resolve to ensure that such incidents are thoroughly examined and that we take all necessary steps to prevent them from happening again,” ani Mayor Belmonte.
Ang isasagawang imbestigasyon ay nakatuon sa mga sumusunod:
1. Event Organization and Oversight
2. Student Safety and Security Protocols
3. Supervision of Students During Activities
4. Policies and fees on Mandatory Participation
5. Stakeholder Feedback and Engagement
6. Coordination with LGUs and Relevant Authorities
7. Compliance with National Regulations
8. Support Systems for Affected Students and Families
Binigyan diin ni Councilor Aly Medalla ang pangangailangan para sa inisyatiba: “This is not just about addressing a single incident; it’s about ensuring that every institution in Quezon City, public or private, upholds the highest standards of safety and student welfare.”
Idinagdag pa ni Majority Floor Leader Delarmente na, “The Council is committed to using the findings of this investigation to craft legislative measures that address gaps and strengthen protections for our students. We also aim to collaborate with CHED and DepEd to ensure a unified approach to these concerns.”
Kasabay nito, tiniyak ng Quezon City Government sa publiko na mananatiling transparent ang kanilang isasagawang imbestigasyon. Gagamitin ang mga natuklasan upang gabayan ang mga lokal na patakaran at magsisilbi ring rekomendasyon sa mga pambansang ahensiya upang mapabuti ang kanilang mga mekanismo sa pangangasiwa.
Narito nauna nang naglabas ng Show Cause Order (CDO) ang Commission on Election (CHED) laban sa Bestlink College of the Philippines para imbestigahan ang isinagawang malakihang off-campus activity.
Wala umanong abiso o isinumite na kahit isang dokumento ang BCP sa CHED na magkakaroon sila ng off-campus activity.
Kaugnay nito, naglabas din ng opisyal na pahayag ang BCP at nagmatigas na misinformation, hindi totoo at gawa-gawa lang ang mga naglabasan sa ibat-ibang social media accounts.
Nauna nang pintuktakte ng komento ang inilabas na statement ng QC Government kaugnay sa dulot na matinding trapik ng nasabing okasyon sa mga lugar ng SM Fairview, SM Novaliches at BCP Campus sa Novaliches na kung saan ginawang pick-up point ng paalis na mga bus sakay ang nasa mahigit kumulang 30k mga estudyante.
Lalo dumami ang mga komento nang magsumbong ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga magulang sa sinapit nilang puyat, gutom, pagod na nagdulot ng pagkahimatay ng maraming mga estudyante.
(Joselito Amoranto)

