Rodante Marcoleta: KAILANGAN SA SENADO!

WALA NA PONG ATRASAN!!! Yan ang tugon ni congressman Rodante Marcoleta, nakaupong kongrehista ng SAGIP Party-List at kasalukuyang tumatakbo bilang Senador sa nalalapit na National Mid-Term Election 2025.
Mapapanood sa Social media post ni Marcoleta na kanyan pinabulaanan ang alegasyon na umatras umano ito sa kanyang kandidatura sa pagka Senador. Mababatid na nagpahayag nga ng pagatras si Marcoleta sa pagka senador, pero ito ay noong 2022 National Election pa, dahil ito sa mahinang resulta ng survey. At mariing pahayag niya na ginagamit di umano ito ngayon ng kanyang mga kalaban sa pulita. Aniya maaring ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ay ang mga dati nyang kasamahan na nakakuha ng sipi ng kanyang pagatras noong nakaraang halalan.
Si Marcoleta ay unang naupo sa konggreso bilang representante ng Alagad Party-list ng 13th Congress mula 2004 hanggang 2007. At muling nanilbihan sa 15th Congress mula 2007 hanggang 2013. Noong 2016 muli syang umupo sa 17th congress bilang representante ng SAGIP Party-List o Social Amelioration and Genuine Intervention of Poverty.
Kilala si Marcoleta bilang prinsipal na author ng Magna Carta of the Poor na naisabatas sa termino ng dating pangulong Duterte. Sa ilang termino nya at pagupo bilang kongrehista madami-dami narin syan mga nai-panukalang batas patungkol sa Enerhiya, Ekolohiya, Edukasyon, Agrikultura, National Defense, OWA, Trade and Industry, Ways and Means, mga Rebisyon ng Batas, Housing and Urban Development, Bank and Financial Intermediaries, Legislative Franchises at marami pang iba. Patunay na itong si Marcoleta ay hindi katulad ng ibang pulitiko na papogi o mema lang.
Ang isang hinahangaan ko sa taong ito ay ang kanyang pagiging well-equipped pagdating sa mga usapin patungkol sa bayan at ang ng kanyang mga argumento na patas at makabayan. Kaya sa aking pananaw kailangan na ng taong bayan ang isang matino, mahusay, matalino, may puso at makabayan na Rodante Marcoleta sa Senado…
KSPHO sa RoadNews
