New Era University Hunters na upset ang NCAA champs Mapua Cardinals
Tinalo ng NEU Hunters ang Mapua Cardinals sa opening game ng Pinoyliga Next Man Cup Sa score na 79-81.
Sa pagsisimula ng game ay nagpakita ng dominanteng laro ang Mapua Cardinals laban sa NEU Hunters natapos ang 1st quarter sa score na 23-7.
Sa 2nd quarter naman ay nag simula ng pumasok ang basket ng mga wingman ng hunters na pinangunahan nila.Jomark Labio, Tristan Tolentino at nakagawa naman ng defensive stops sila James Manzano at Aldrin Basabica ng hunters kontra Cardinals kaya natapos ang 2nd quarter sa score na 38-33 lamang pa ng lima ang NCAA champs.
Pag dating naman sa 3rd quarter ay naging dikitan na at natitirang dalawang minuto ay sunod sunod naka buslo ng 3 points si Tristan Tolentino, Jomark Labio at Vincent Nablo at bago matapos naka buslo pa buslo pa ng 3 points si Jared Sevilla kaya natapos ang 3rd quarter sa score na 63-58.
Pag dating naman sa 4th quarter sunod sunod ang basket ng Hunters laban sa Cardinals sa unang dalawang minuto 69-63 at patuloy na pag lalaro ng 4thyr ay bahagyang nakalapit ang Cardinals sa pangunguna ni Cyril Gonzalez at sa markang 2:05 at nakakuha ng kalamangan ang mapua 78-76 at nakakuha naman ng and one basket si TJ adams at naipasok niya ang bonus free throw para makuha ang 1 point lead 79-78 at naka buslo naman si Drex Delos Reyes ng 1 free throw para maitabla sa 79-79 at tumawag ng timeout si coach Jay Agsalud para sa Hunters sa natitirang 14 seconds.
Sa natitirang segundo naipasa ng maganda ni Vincent Nablo kay Jomark Labio para maibuslo ang basket upang makuha ang kalamangan para maipanalo ng NEU at ito ay comeback win para sa hunters kontra sa NCAA Championship Mapua.
Hinirang na best player of game si Tristan Tolentino na nakakuha 19 points.
Samantala nag wagi rin sa naunang mga game ang Guang Ming College laban sa Lyceum Pirates sa score na 67-61.
Nagwagi naman ang San Beda Red Lions kontra Enderun College Titans 77-75
Brian Jerwin Monday para sa RoadNews
(Photo credit to PinoyLiga)

