Davis at Butler panalo sa kanilang debut game!!!

Matapos ma-trade sila Anthony Davis at Jimmy Butler ng LA Lakers at Miami Heat ay nag laro na sila sa kanilang Debut game sa kanilang mga bagong koponan.

Nakapag tala si Davis para sa Dallas Mavericks ng double double performance na may 24 points at 16 rebounds at bagaman hindi niya natapos ang game dahil sa injury ay panalo ang kanyang koponan laban sa Houston Rockets 116 -105

Samantala nakapagtala si Jimmy Butler 25 points 2 rebounds 4 ast 1 blk para sa comeback win naman para sa Golden State Warriors kontra Chicago Bulls 132-111

Pinangunahan ni Steph Curry ang warriors na may 34 points na nakapag buslo ng 8 Three pointers.

Matatandaan rin na si Jimmy Butler ay nag demand ng trade sa Miami Heat kaya bago ang trade deadline ay na trade siya sa Golden State Warriors kapalitan niya si former all star Andrew Wiggins

Brian Jerwin Monday para sa RoadNews