LOOK: ISA NA NAMANG MILESTONE NG KUMPANYANG SALVEOWELL CORPORATION ANG GINAGANAP NGAYON

ANGELES CITY | Kasalaukuyang ginaganap ngayon ang 3-day Master Class ng Salveowell Corporation sa kanilang mga piling distributors, upang maging Certified Naturopathy Health Advisor. Ang master class na ito ay nagsimmula noong Lunes ika-10 ng Pebrero at inaasahang magtatapos ngayong araw.

Nasa 35 na piling distributors ng kumpanya, mula sa ibat-ibang lugar, ang sa ngayon ay nagsusunog ng kilay sa HQ ng Salveowell sa Angeles City, upang pag-aralan at ma-master ang syensya sa likod ng natural na pagpapagaling sa karamdaman.

Pinangunahan ito nina Madam Reach Yanes, CEO ng kumpanya, Sir  Arkie Rivera, Presidente, Mr. Rey “Transformer” Tesoro, Training Director, at ng mga Board of Directors.

Kasama ng kumpanyang Salveowell Corporation ang Freedom From Pain Institute Training Center bilang Facilitator ng nasabing 3-days Master Class. Ang Training Center na ito ay Accredited ng PITAHC-DOH.

Isa si Dr. Rogelio D. Carbo DC, CMT, CNP, PhD, Doctor of Chiropractic, Certified Naturopathic Practitioner, PITACH-DOH Accredited, sa mga nag-facilitate sa nasabing Master Class.

Inaasahan ng kumpanya na sa kanilang ginagawang masterclass ay madami ang maging naturopathic practitioner sa kanilang mga affiliates upang mas mapalawak pa ng kumpanya ang kanilang pangunahing misyon na “We Save Lives”

B2TekMS para sa RoadNews