PNP GENERAL NA DAWIT SA 990 KILOS NG SHABU SUMUKO!

PERSONAL na sumuko kay PNP-CIDG Chief PGen. Nicholas Torre III si dating Chief PNP for Operation Lt.General Benjamin Santos matapos dumating sa bansa kaninang madaling-araw.

Ang pagsuko ng heneral ay kinumpirma ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo.

Mag- alas singko ng madaling araw nang dumating sa NAIA terminal 1 ang dating PNP Deputy Chief.

Sinundo si Santos ng mga tauhan ng CIDG sa pangunguna ni CIDG Director PBgen Nicolas Torre III

Dito inihain ang kanyang warrant of arrest sa paglabag sa Section 92 ng RA 9165 at isinailalim sa booking procedure.

Sinabi naman ni Fajardo na agad dinala sa Manila RTC si Santos at doon na nagpyansa.

Matatandaang kabilang si Santos sa 30 pulis na inakusahang sangkot sa pagtatanim ng ebidensiya.

Sa ikinasang buy-bust operation sa isang WPD Lending Office sa Tondo, Maynila kung saan nakumpiska ang 990 kilos ng shabu noong 2022.

Samantala, dahil sa pagsuko ni Santos, 7 tauhan pa ng PNP na may warrant of arrest sa 990 kilos na shabu ang target ng mga awtoridad.

Joselito Amoranto para sa RoadNews



Ptoto Caption: Si PNP-CIDG Chief Nicholas Torre III kung saan sumuko at sumundo kay Lt. Gen. Santos nang sa dumating sa bansa kaninang madaling-araw.