PINSAN NI FL LIZA ARANETA-MARCOS? ARESTADO!
ILO-ILO CITY| Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG), ang pinsang buo daw ni First Lady Liza Cacho Araneta-Marcos na si Margarita “Maggie” Cacho. Si Cacho ay tumatakbo din sa pagka-Gobernador ng Guimaras.
Ang nasabing operasyon ay kinumpirma mismo ni PBGen Jack Wanky, Direktor ng PRO6, sa kanyang press con ngayong araw.
Nag-ugat ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang isang biktima na hiningan umano ng 1 milyong piso bilang kapalit ng pag-apruba sa kanilang proyekto na Private Motor Vehicle Inspection Center – Emission Testing Center ng Department of Transportation (DOT).
Kasama sa pag aresto kay Cacho ang kanyang sekretaryo na si Cayetano Leal, 48, nakatira sa barangay Misi, Lambunao. Damay din sa kalaboso ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), na sina Marwin Parpan, 31, ng Dipolog City, at Rico Maylan, 27, ng Bgy Sandulot, Siaton, Negros Orriental, na nagsisilbing personal security ni Cacho.
Ayon kay PBGen Wanky ay sinampahan na ng kaso ang apat na arestado. Kasong swidling ang isinampa kay Cacho at Leal, habang kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng COMELEC Gunban, alinsunod sa Resolution No. 11067, ang isinampa naman laban sa dalawang miyembro ng PCG.
Sa isinagawang entrapment operation ng mga CIDG, nasamsam ng mga operatiba ang Php 400,000 boodle money kasama ang isang P500 peso bill na Mark Money, Isang .45 cal. na armscor handgun na may magazine at pitong bala, siyam na bala ng 9mm, isang .45 cal na 1911 handgun na may magazine at pitong bala. Walong bala ng .45 caliber, dalawang holster, at dalawang cellphone.
Lalo pang mainit ngayon ang usapin tungkol sa pagka-aresto kay Cacho dahil sa di-umano’y pagiging prominente nitong personalidad sa politika at may malapit pa na kaugnayan sa pamilya Marcos. Wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil dito.
Jovan Casidsid para sa RoadNews



Photo Courtesy to CIDG Region 6