ENRILE: WALANG KASONG KRIMINAL SI VP SARA – “A guilty act is not criminal unless there is a guilty mind”

“Although no criminal charge could be made at this time against Sara for her aforesaid statement because it is conditional, care must be taken by both sides to prevent evil third parties to take advantage of it for their personal benefits, whatever these are. This is a humble suggestion.” Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, sa kanyang official fb page kahapon.

Sa pahayag na ito ni Enrile ipinaliwanag nya na walang kasong kriminal na pwedeng isampa sa Bise-Presidente dahil sa ang binitawang pahayag ng VP ay pawang conditional lamang. Ngunit nagbabala din ang legend na maari itong gamitin ng iba para sa kanilang pansariling kapakanan.

Matataandaan na sa Press Conference noong Nobyembre 23, 2024 kontrobersyal na sinambit mismo ng Bise-Presidente ang mga katagang “pag pinatay ako, patayin mo si BBM, Liza Araneta, at si Martin Romualdez”. Ngunit ayon kay  Enrile hindi umano ito sapat na dahilan upang kasuhan si VP Inday ng kasong kriminal.

Ipinaliwanag  ni Enrile ang mga legal na implikasyon ng pahayag ni VP Inday Sara, gamit ang prinsipyong Latin na “Actus non facit reum nisi mens sit rea” o “A guilty act is not criminal unless there is a guilty mind.” Aniya, may dalawang pangunahing elemento sa anumang krimen: ang guilty act at ang guilty mind. “In the aforesaid statement of Sara, the guilty act is the command—‘patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ And the guilty mind is to avenge Sara’s k*lling, should it happen,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Enrile na kung sakaling may tangkang pagpatay kay Duterte, awtomatikong kasama sa mga suspek sina Marcos, Araneta, at Romualdez, kahit na sila ay inosente. “If an attempt against Sara’s life should happen, but did not succeed, BBM, Liza, and Martin would be the immediate and direct suspects, even though they are innocent, which would further widen the political disruption between the two sides,” paglalahad ni Enrile.

Dagdag pa Enrile, may nakaambang panganib na maaaring gamitin ng mga masasamang elemento ang isyu na ito upang lalong palalain ang hidwaan sa pulitika. “Evil and vicious third parties could merrily take advantage of the situation and weaken, if not destroy, the two sides of the political divide. Even some ambitious members of each political group could take advantage of it to strengthen and promote their personal interest, whatever that is.”

Dahilan ito upang imungkahi ni Enrile na parehong dapat mag-ingat ang kampo ni Duterte at Marcos upang hindi maipit sa anumang posibleng panggugulo mula sa mga taong may pansariling interest.

Happy 101st Birthday sir Juan Ponce Enrile. Mabuhay ka!

Darwell Baldos para sa RoadNews