Mt. Kanlaon Muling Nag-alburuto!  

NERBYOS at takot ang naramdaman ng mga residente malapit sa bulkan nang muling mag alburuto ang Mt. Kanlaon sa Negros Occidental mga 2:32 ng hapon Pebrero 15, 2025.

Ang pag-aalburuto ng bulkan ay narecord ng ilang netizen at nai-post ito sa kanilang social media. Ayon naman sa opisyal na pahayag ng PHILVOLCS-PAGASA ang pag-aalburuto ng bulkan ay tumagal ng walong minute base sa kanilang seismic record at nagbuga ito ng “plume” na umabot ng 1,500m mula sa bunganga ng Kanlaon.

Naitala din ang pagbagsak ng abo o ”ashfall” at matinding amoy ng sulfur sa mga barangay sa Bago City, Negros Occidental.

Nasa ALERT Level 3 ngayon ang Mt Kanlaon, ibigsabihin ay ang pamamaga ng bulkan ay magdudulot ng mga kahalintulad na pagsabog at maaring makapinsala sa mga malapit dito. Pinapayuhan ang lahat ng komunidad na nasa loob ng 6km radius mula sa crater ay pinapayuhang lumikas. Ang mga Civil Aviation ay pinapayuan ding umiwas sa bahaging ito ng Negros Occidental.

Ang PHILVOLCS-PAGASA ay nakatutok sa bulkang Kanlaon at maka-aasa tayo ng maagap nilang pahayag ukol sa mga bagong pangyayari mula sa bulkan.

Darwell Baldos para sa RoadNews