MAYNILA | Isang disqualification Case ang isinampa noong Lunes laban sa mga Senatorial Candidates na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo, isang brodkaster, at tatlo pang ibang miyembro ng Tulfo Clan, ayon sa Commission on Electoions (COMELEC).

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang kaso ay isinampa ng isang petitioner na kinilalang si Atty Virgilio Garcia. Ito ay ipapa-raffle sa dalawang dibisyon ng poll body ng COMELEC ngayong araw.

Bukod kina Ben at Erwin, pinangaanan din sa Disqualification Petition sina ACT-CIS Rep Jocelyn Pua-Tulfo, Quezon City 2nd District  Rep. Ralph Wendel Tulfo, at Turismo Party-List nominee Wanda Tulfo-Teo.

Binanggit ng petitioner na si Garcia na ang mga respondents ay mga miyembro ng itinuturing niyang political dynasty bilang batayan para sa disqualification petition na ito.

“WHEREFORE, it is respectfully prayed of the Honorable Commission that, after due process, respondents be declared as constituting a POLITICAL DYNASTY by express prohibition under the Constitution and are therefore not qualified as candidates to seek public office in the National and Local Elections in May 2025” nakalahad sa 21-pahina na petisyon.

Binanggit din ng petitioner na ang limang respondent ay kamag-anak ni incumbent senator Raffy Tulfo “ within the first or second civil degree of consanguinity or of affinity.”

“The 1987 prohibits this anomalous monopolistic concentration of political power in one family” dagdag pa ng petioner.

Nabanggit sa reklamo ang Article 2 Section 26 na nagsasaad na “The State shall guarantee equal access to all opportunities for public service and prohibit dynasties as may be defined by law.”

Binanggit din sa reklamo ang isyu ng citizenship ni Erwin. Matatandaan na noong Nobyembre ng 2022, ipinagpaliban ng Comiision on Appointments (CA) ang mga talakayan sa appointment ni Erwin bilang DSWD Secretary dahil sa mga legal na isyu ng kanyang pagkamamamayan.

Matapos ang pagdinig ng CA, inamin ni Erwin na naging American Citizen siya noong 1988, ngunit idiniin niya na nabawi niya ang kanyang Filipino Citizenship noong 2022 bilang bahagi ng mga requirements para sa kanyang appointment bilang public official.

Jovan Casidsid para sa RoadNews