TULFO AT TULFO NECK-TO-NECK SA PINAKABAGONG RESULTA NG SURVEY

QUEZON CITY | Sa pahayag ni Martin Peñaflor, CEO ng Tangere Mobile App Inc., na neck-to-neck sina Party-list Rep. Erwin Tulfo at kapatid nyang si Ben “Bitag” Tulfo, ayon sa pinakabagong resulta ng survey ng Tangere kahapon Pebrero 18, 2025.

Lumabas sa resulta na si Ben na may 53.50% at Erwin na may 53.33% ang pangunahing magkatunggali sa una at pangalawang pwesto. Noong Enero si Erwin ang nangunguna pangalawa si Bong Go at pangatlo lamang si Ben, pero ngayong Pebrero dahil sa malaking itinaas ng pabor kay Ben napunta ito sa Unang pwesto at dahil din sa malaking porsyento ng ibinaba ng kay Erwin ay napunta ito sa ikalawang pwesto. Bagaman tumaas ang porsyento ng pabor kay Bong Go bumaba naman ito ng pwesto mula 2nd na ngayon ay pangatlo.

Pang apat naman si dating senator Tito Sotto III; 5-6 ang sina Bong Revilla at Pia Cayetano; 7  to 10 sina Abalos, Paquiao, at Lapid; Sinusundan ni Senator Bato, Revilla me, Lacson, Pangilinan, Bam Aquino, Abby Binay, Camille Villar, Imee Marcos, at Tolentino; Pang 19 itong si Dok Willie Ong, sinundan  ni Ipe sa 20th; 21-24 itong sina Marcoleta, Honasan, Chavit, at Bondoc. Sinundan nila Richard Mata sa 25th at Bosita na pang 26.

Ang Survey at naglaan ng 1.96% para sa margin of error, ayon kay Peñaflor. Ang survey, na isinagawa sa 2,400 respondents, at gumamit ng stratefied random sampling na may 50-50 porsyento kasarian, ibig sabihin sa kalahati ng respondent ay babae at kalahati rin ay lalaki. Ang 80% sa mga respondent ay mula sa Class D ng lipunan.

Ayon kay Peñaflor ang Tangere Mobile App ay may isang milyong user mula noong umpisahan nila ito noong 2018 at mayroong mahigit isandaang kliyente, kabilang na ang mga ahensya ng gobyerno. Ang resulta ng survey ay awtomatiko at hindi pwedeng manipulahin ng sinuman.  

Buboi Patriarca para sa RoadNews