TOP 3 MOST WANTED SA BURGOS, PANGASINAN; ARRESTADO
TIMBOG sa mga operatiba si Dennis Catacutan Balonzo, 37 taong gulang, may asawa at resident eng Brgy Poguruac sa Bayan ng Burgos, Pangasinan.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon Judge Vincent Espinoza Lamug, presideing Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 70, sa bayan ng Burgos. Agaran naman ihinain ito kay Balonzo sa pangunguna ni Police Captain Bonald Z. Paragas, hepe ng Burgos Police Sation, kasama ng kanyang team.
Si Balonzo, na may kasong 6-counts sa kasong paglabag sa RA 8353 o kilala bilang Anti-Rape Law of 1997, ay ang Top 3 Most Wanted ng Burgos, Pangasinan.
Isang maingat na operasyon ang isinaginawa ng team ni Police Captain Paragas na humantong sa agarang pagkakaaresto kay Balonzo. Sa operasyon, gumamit ang apprehending team ng alternative recording device, upang mai-record ang nasabing operasyon. Sa pamamagitan nito ay makatitiyak ang kapulisan na walang magiging technicalities at paglabag sa rules of arresting compliance ang mga awtoridad.
Edison Cansino para sa RoadNews Pangasinan
