WALANG MAKAPIPIGIL SA SERBISYONG MATAPAT! -CONG. FIDEL NOGRALES-

0

“SA kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ANG TANGGAPAN NI CONG. FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa inyo”, ito ang nilalaman ng OPISYAL na ABISO na sagot ng kampo ni Congressman Fidel Nograles sa pag-padlock ng gate ng R&R Wet and Dry Market, Greenview, Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal, na kung saan matatagpuan ang District Office ng kongresista.

Nauna rito, noong Pebrero 28, 2025, meron mahigit-kumulang sa dalawampung katao (20) sa pamumuno ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Montalban Head Jeso Amo Mallari, kasama sina Ralph Lavren Reyes, Girlie Calar, Giovanni Perez at iba pang hindi nakuha ang mga pangalan, ang nagtungo sa 2/F R&R Wet and Dry Market upang ipasara ito.

Base sa nakasulat sa tarpaulin na inilagay ng BPLO-Montalban sa gate ng nasabing establisemyento, “This establishment, R&R Building, is ordered closed for operating without the requisite mayor’s permit for commercial space leasing, Bayan ng Montalban, Lalawigan ng Rizal.”

Base sa nakasulat sa tarpaulin na inilagay ng BPLO-Montalban sa gate ng nasabing establisemyento, “This establishment, R&R Building, is ordered closed for operating without the requisite mayor’s permit for commercial space leasing, Bayan ng Montalban, Lalawigan ng Rizal.”

Narito naman ang kabuuang sagot ng kampo ni Cong. Nograles, “OPISYAL na ABISO, sa kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ANG TANGGAPAN NI CONG. FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa inyo. Walang makapipigil sa matapat na paglilingkod! Anuman ang hamon, patuloy naming ipaglalaban ang inyong kapakanan. Kapit lang! Lalaban tayo! WALANG MAKAPIPIGIL SA SERBISYONG MATAPAT!”

Sa panayam ng Roadnews Arangkada sa Balita sa mga Montalbeño, anila obyus na pamumulitika ang ginawa ng BPLO-Montalban sa pag-padlock ng gate ng R&R Wet and Dry Market, na kung saan nasa ikalawang palapag nito ang District Office ni Cong. Fidel Nograles.

Ayon pa sa kanila, si Montalban Mayor Ronnie Evangelista ay kaalyado ni dating Mayor Tom Hernandez, na tumatakbo ngayong Kongresista ng ika-4 na distrito ng Rizal na siyang kalaban ni Cong. Nograles.

Matatandaan noong 2022 National and Local Elections, si Evangelista ay dating kakampi ni Nograles, subalit biglang nag-iba ang ihip ngayong 2025 Midterm Elections na ang dati niyang mahigpit na kalaban ay kaalyado na ngayon (Hernandez).

Ipinaliwanag ng kampo ni Cong. Nograles sa mge residente ng Montalban, na hindi si Cong. Nograles ang kanilang piniperwisyo sa kanilang pagpapasara sa District Office nito, kundi ang mga mamamayang nakikinabang o humihingi ng tulong mula sa tanggapan ni Cong. Nograles.

Banggit pa ng mga Montalbeño, na kapag sa munisipyo sila humihingi ng tulong, sasabihing tatawagan na lang sila, pero hindi naman ito nangyayari hanggang sa pumuti ang kanilang mata sa paghihintay, walang natatanggap na tawag mula sa opisina ng kanilang Mayor.

Samantala kay Cong. Nograles ay agad silang aabisuhan kung kelan nila makukuha ang kanilang kailangan o hinihilinging tulong.

“Ngayon dahil nagbibigay si Cong. Fidel ng tulong, gusto n’yong ipatigil, inggit ba kayo? Hindi kayo makatitikim ng aming boto! Mula sa araw na ito, tandaan nyo, hindi namin makakalimutan yang ginawa nyo, hanggang eleksyon!,” himutok pa ng isang ginang.

Binigyan-diin pa nila na walang ibang katulad na politiko si Nograles sa Montalban na mula sa Senior Citizens, mga bata, maliliit na mga negosyante at mga mag-aaral ang kanyang natutulungan.

“Gamot, pangangailangan ng mga bata, pagbibigay ng kabuhayan o puhunan sa mga maliliit na mga negosyante, scholarship para sa mga mag-aaral at iba pang ayuda ang aming natatanggap mula sa tulong ni Cong. Nograles,” dagdag pa ng mga residente.

“Ngayon dahil nakikita nilang maraming natutulungan si Cong. Fidel gusto nilang ipasara ang kanyang opisina, mas lalo namin siyang ipaglalaban, susuportahan at ipangangalandakan na suportado namin siya,” pahayag pa ng grupo ng matatanda ng Montalban.

“Ipinasara man ng Mayor ang ating tanggapan, mananatiling bukas ang ating puso para sa kapos-palad na Senior Citizens na lubos na nangangailangan ng tulong pinansyal at tulong medikal. Patuloy lang po tayong makikipaglaban sa kabila ng hamon na ating pinagdadaanan sa panahon ng kagipitan,” ayon pa sa matatag na pahayag ni Cong. Nograles.

Ayon pa kay Nograles, bagamat maraming pagsubok, ‘Magkapit-bisig lang po tayo at magtiwala sa Taas na malalampasan din po natin ito. Sisikapin po natin na gawin ang lahat ng makakaya sa bawat sitwasyon.’

Napag-alaman ding nakatatlong lipat na ng District Office si Cong. Nograles dahil sa lahat ng kanyang inuupahang gusali ay sinisilipan ng butas para mabigyan ng notice of violation at kalaunan ay ipasasara ito.

Hindi rin pinagagamit ng covered court ang DOLE-TUPAD Payout na pinangungunahan ni Cong. Nograles na ginaganap sa iba’t-ibang barangay ng Montalban.

Dahil dito, napipilitan na lamang mag-renta ng pribadong lugar ang kampo ni Nograles para lamang maisakatuparan ang “Serbisyong Walang Kapares ni Nograles.”

(RoadNews Investigative Team)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *