122K HALAGA NG SHABU KUMPISKADO
ARESTADO ang 19-taong gulang na si Dexter Yamomo sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City matapos mahuli sa pagtutustos ng shabu sa isang anti-kriminalidad na operasyon ng Holy Spirit Police Station 14 noong Marso 16, 2025.
Nakuha sa kanyang pag-aari ang 18 gramo ng shabu na may halagang Php122,400 at ang kanyang Mio Sporty motorcycle.
Kakasuhan si Yamomo sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ipinagmamalaki ko ang mga operatibo ng PS 14 sa tagumpay na ito. Ito ay nagpapakita ng ating matibay na komitment sa paglaban sa krimen at pagpapanatili ng ating komunidad na ligtas,” ayon kay PCOL Melecio Buslig, Jr.
(Tito Lucas)