MGA PRO-FPRRD NAGTIPON SA IBAT-IBANG PANIG NG MUNDO
Ang pro-Duterte ay nagsagawa ng peaceful rally sa iba’t ibang lugar sa buong mundo, partikular sa Pilipinas at Hong Kong, kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kamakaylan sa Maynila, humigit kumulang 1,000 suporter ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio upang magprotesta sa pag-aresto kay Duterte at kritikahin ang gobyerno.
May mga motorcade rin na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Ang ibang mga lungsod sa Luzon, tulad ng Angeles City at Baguio, ay nagdaos rin ng mga kahalintulad na demonstrasyon.
Sa Davao City, hometown ni Duterte, daan-daang suporter ang nagdaos ng isang rally at nag-ilaw ng kandila sa Rizal Park. Libu-libong residente ng Davao ang nag-rally para kay Duterte sa pagdiriwang ng cityhood.
Mga kaparehong rali ang isinagawa sa ibang mga lungsod sa Mindanao, tulad ng Iligan, Cotabato City, General Santos, at Zamboanga City.
May mga panawagan din sa social media at sa mga Overseas Filipino Workers para sa pagbabalik ni Duterte sa Pilipinas. Maraming mga nag-rally ay kumanta ng mga awiting makabayan isang awiting anthem para sa mga Diehard Duterte Supporters.
May nakatakda ring rally ng pro-Duterte sa The Hague, Netherlands sa Marso 23, 2025.
Ang layunin daw ng pagtitipon na ito ay ipakita ang suporta para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa Scheveningen.
Inanunsyo ni dating presidential spokesperson Harry Roque na nakakuha na ng permit para sa nasabing pagtitipon. Inaasahang dadalo ang mga tagasuporta ni Duterte mula sa iba’t ibang bahagi ng Europa, kabilang ang Austria, Switzerland, at Hungary.
Ang pagtitipon ay bahagi ng patuloy na suporta ng mga tagasunod ni Duterte sa kabila ng kasalukuyang paglilitis sa kanya sa ICC.
Ilang grupo ng mga Pilipino sa Europa ang nagpahayag na makikiisa sa event, patunay ng matibay na katapatan ng kanyang mga tagasuporta.
(Darwell Baldos)