TUBIG NG PRIMEWATER, NAGTATAGLAY NG NAKAMAMATAY NA MIKROBYO; MGA BATA AT SENIOR CITIZENS, PINAG-IINGAT!
KONTAMINADONG Tubig sa Santa Cruz, Nagdudulot ng Pangamba sa Kalusugan ng mga Residente
Ayon sa pag-aaral ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR, natuklasang ang tubig ng PrimeWater sa Santa Cruz ay kontaminado ng E. coli at Salmonella, na maaaring magdulot ng diarrhea at typhoid fever.
Ang mga bata at senior citizens ang pinakananganganib dahil sa kanilang mahinang immune system. Ang sanhi ng kontaminasyon ay ang kalawangin at lumang tubo ng PrimeWater, na nagreresulta sa maruming tubig na may debris at hindi kanais-nais na amoy.
Matatandaan na makailang ulit nang nanawagan ang mga residente kay Mayor Egay San Luis na solusyonan ito, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring konkretong aksyon ang lokal na pamahalaan.
Samantala, pinapayuhan naman ng DENR ang mga residente na pakuluan ang tubig, gumamit ng bottled water, at iulat ang isyu sa kinauukulan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
(RoadNews Investigative Team)