Krimen bumaba ng 26.76%: CRIME RATE SA BUONG BANSA BUMABA—PNP

SA kabilang naging prominente ang krimenalidad sa social media, ang opisyal na ulat mula sa tanggapan ng 17 pulis rehiyon, ay nagtala ng malaking pagbaba, ayon sa Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco D. Marbil.

Sa rekord ng PNP, nagtala ng 26.76% na pagbaba sa mga tinutukang krimen, mula 4,817 kaso sa pagitan ng buwan ng Enero 1 at Febrero 14, 2024, naging 3,528 kaso sa parehong panahon nitong 2025. Ang tinutukang krimen kabilang ang nakawan, panggagahasa, murder, homicide, physical injury, at carnapping ngmga sasakyan at motorsiklo.

Sa kalipunan, ang kasong rape ang merong prominenteng pagbaba ng 50.6%- mula 1,261 kaso noong maaga ng 2024 sa 623 kaso nitong taon. Ang taunang datos ay nagtala ng 7.31% na pagbaba sa mga tinutukang krimen, sa record na 41,717 insidente taong 2023 kumpara sa 38,667 noong 2024.

“Ang mga datos na ito ay sumasalamin lang sa ating mahigpit na pagpapatupad ng batas para tiyakin ang kaligtasan sa ating mga komunidad, at ito’y makapagsasabing ang krimen ay bumaba. Ang ating stratehiyang pamamaraan bunga ng kooperasyon ng publiko, at paggamit ng makabagong teknolohiya, ang nakalikha ng malaking epekto,” pahayag ni Gen. Marbil

Pinagdiinan ng hepe ng PNP na ang mga pagbabago ay naka-angkla sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para sa mas ligtas at maayos na bansa. Kinikilala ng PNP ang buong pagtalima sa komitment sa pagsuporta sa tunguhin ng administrasyon, ang mapagbuti ang kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga nasa awtoridad at pakikisangkot sa mamamayan.

Ang positibong resulta para sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng batas, kasama na ang maigting na pagpapakita ng mga tauhan ng awtoridad sa lugar na merong mataas na tala ng krimen, at ang pinasinop at pinasiglang operasyon ng intelihensiya at ang masikhay na imbestigasyon para buwagin ang ugnayan ng mga gumagawa ng krimen at ang pinalawak na paggamit ng digital platforms at ang teknolihiya sa paniniktik para maging mabilis ang pagtukoy sa krimen at pagresponde rito.

Dagdag pa ni Marbil, pinahalagahan niya ang pinalakas na pakikipagtulungan sa komunidad na gumampan ng mahalagang papel para sa pagsawata ng krimen.

“Hindi lang tayo basta rumiresponde sa krimen, aktibotayong kumikilos upang pigilan ito bago pa mangyari at may mga kababayan tayong mabibiktima. Ang PNP ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya para paghandaan ang anumang nagbabalak, umabuso at manamantala,” pagdidiin pa ni Gen. Marbil.

Kinilala rin ni Gen. Marbil ang kahalagahan ng dual role na ginampanan ng social media platform—ang mabilis na pagiging bantad ng publiko sa pag-iral ng krimen, bukod pa sa mahalagang gamit nito para sa pagmamanman, pagpigil at pagresolba sa krimen.

“Maaaring mas tila marami ang mga krimen dahil mabilis kumalat ito sa online, ngunit ang mga platapormang ito ay tumutulong din sa pagpapabilis ng mga imbestigasyon at paghahatid ng hustisya sa mga kriminal. Hinihikayat namin ang publiko na gamitin sa tama ang social media—bilang isang kasangkapan para sa kaligtasan, hindi kalituhan,” dagdag niya.

Nanawagan din si Gen. Marbil sa mamamayan na maging mapagbantay, mag-report sa mga kahina-hinalang mga aktibidad, at suportahan ang mga awtoridad para sa pagpapatupad sa pananatili ng kaayusan at katahimikan sa ating mga komunidad at kapaligiran.

(Darwell Baldos)