PAMANGKIN BINUGAW NG TITA SA AMO, RAPE VS TAIWANESE BUSINESSMAN SINAMPA

big j

Anomang araw mula ngayon ay maaaring damputin ng mga awtoridad ang isang tiyahin at Taiwanese na negosyante na nakabase sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos maganap ang panggagahasa sa babaeng menor de edad.

Ayon sa sumbong ng mendor de edad sa ROADNEWS, noong Hulyo 2022 nasa 15-anyos pa lang siya nang alukin siya ng kanyang tiyahin na itago natin sa inisyal na pangalang “CI” para magtrabaho sa canteen sa Morong, Bataan.

Ang kainan na pinapasukan ni “CI” ay pag-aari ng dayuhan (Taiwanese) na amo ng tiyahin ng dalagita.

Ayon sa dalagita noong Huly 2022, habang nagtatrabaho siya sa canteen bilang helper o diswasher ay dumating ang Taiwanese na may-ari ng kainan at ipinakilala siya ng kanyang tiyahin na tinawag nitong “Boss SS.”

Kalaunan ay nagpaselfie ang Taiwanese kasama ng dalagita, kasabay ng pagsasabing, “ANG GANDA MO.”

Makalipas ang ilang araw ng pagtatrabaho ng dalagita sa canteen mayroon isang babae na lumapit sa kanya na nagpakilala siyang secretary ng may-ari (Taiwanese Businessman) ng canteen at may ibinigay na cellphone, “PINAPA BIGAY NGA ITO SAYO NI BOSS SS.”

Sinabi ng secretary sa dalagita (biktima) na ang nasabing cellphone ay regalo sa kanya ni BOSS SS para matawagan siya nito. Pagkalipas ng dalawang araw ang secretary ay bumalik sa canteen at muling nagbigay ng iPad sa dalagita na pinabigay ng suspek (Taiwanese) para magamit ng biktima sa online class.

Walang magawa ang biktima kundi tanggapin ang mga pinabibigay sa kanya ni BOSS SS dahil natatakot siya na baka pagalitan siya ng kanyang tita (CI) na nagpasok sa kanya sa canteen at na kung saan siya naninirahan. Nabalitaan ng biktima na tumanggap ang kanyang tiyahin ng P50k at P60k mula sa Taiwanese na may gusto sa kanya.

Pagkalipas ng tatlong araw sa pagtatrabaho ng dalagita sa canteen, si BOSS SS sa pamamagitan ng kanyang secretary ay pinasundo ang biktima na isinakay sa van at dinala sa library sa opisina nito at kalaunan ay dinala sa rest house ng suspek na matatagpuan sa Kalayaan Heights Subic Bay Freezone Port, Zambales.

Ang biktima ay ikinulong sa kuwarto ng rest house ni BOSS SS at kalaunan dumating ito na pumasok na kung saan isinagawa ang pwersahang panghahalay sa dalagita.

Ang panggagahasa ay tatlong beses na nangyari dahil walang magawa ang biktima dahil nasa lugar siya ng suspek.

Matapos ang panggagahasa, dahil sa dinanas na ‘trauma’ ng biktima ay dalawang taon siya nagtago at nang magkaroon siya ng lakas ng loob ay lumabas siya at nagsampa ng kaso laban sa suspek.

Ibang klase itong tiyahin ng biktima siya pa mismo ang nagkanolo sa kanyang pamangkin.

Ang mga ganitong klaseng kamag-anak (tiyahin) ay dapat nabibigyan ng mabigat na parusa para hindi na siya pamarisan ng iba.

Magsama silang sa kalungan ng BOOS SS niya at pagbayarin sila sa kanilang mga nagawang kasalanan sa walang kalaban-laban na biktima.

oOo

Magsumbong sa cel# 0977-751-1840.