Pinapayuhan ang mga motorista na magdala ng mahabang pasensya kung dadaan sa NLEX sa bahagi ng Marilao Interchange Bridge, dahil sa pagsisikip ng trapiko kaalinsunod ng pagsasara ng lane 2 at 3 Northbound, upang magbigay daan sa pagkumpuni ng nasirang tulay na magsisimula ngayong Lunes March 24, 2025 1:00PM at inaasahang matatapos sa March 28, 2025 11:00PM.

Nagbigay abiso rin ang pamunuan NLEX ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa kinukumpuning tulay. Maglalaan din daw sila ng zipper lane sa southbound ng NLEX kung maluwag ang trapiko patungong Manila.

Manatiling nakatutok #RoadNews

Darwell Baldos

Photo Courtesy: NLEX Corporation fbpage