Imee, Bweneltahan Ng Palasyo
Matapos langawin at mabigo ang ikalawang pagdinig ng Senate Foreign Relations na pinamumunuan ni presidential sister Senator Imee Marcos, sa di umanoy illegal na pag arresto kay dating Pangulong Digong Duterte, agad naman sinupalpal ng palasyo ang mga paratang at hinaing ng senadora.
Nauna rito inalmahan ng palasyo ang ikalawang pag imbita ni Senator Marcos, sa pamamagitan ng liham mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin Jr. na hindi na muling papayagan ng Executive Department ang pagdalo ng mga Cabinet Secretary at iba pang executive ng pamahalaan upang sumagot sa mga katanungan ng komite.
Ikinatwiran ni Bersamin na tapos na ang pagtatanong senadora sa mga kabinete at executive ng pamahalaan sa naunang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations. Ani ni Bersamin, hindi dapat paulit ang mga tanong at sagot dahil maliwanag naman ang batayan na batas kung bakit pinursigi ang pag arresto kay FPRRD.
Ayon naman kay Palace Press Officer Undersecretary Attorney Claire Castro, dapat galangin ng Senadora ang Executive Privilege para mapangalagaan ang mga sensitibong impormasyon na posibleng makaapekto sa National Security.
Joseph Suguitan para sa RoadNews
