PDEA, isinalang sa random drug test ang ilang driver ng public utility bus bilang bahagi ng Oplan Semana Santa 2025
Nagsagawa ng random drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga driver ng mga pampasaherong bus sa harap ng pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng paggunita ng Semana Santa.
Unang sumailalim sa drug test ang nasa 20 na mga bus driver ng Five star bus company ngayong araw. Layon ng random drug test na malaman kung gumagamit ng iligal na droga ang mga bus driver na bibiyahe sa ibat ibang probinsiya.
Ayon sa PDEA, mahalaga ang kanilang isinagawang random drug test dahil nakasalalay sa mga bus driver ang buhay ng mga pasahero na luluwas sa kani-kanilang mga probinsiya.
Wala pang ipinalabas na resulta ang PDEA sa mga bus driver na sumailalim sa random drug test at hindi pa rin tiyak kung isasapubliko ng PDEA mga pangalan ng mga bus driver na magpopositibo sa drug test.
Jojo Romero
