PATUTSADAHAN SA HALALAN, ANO ANG KAHIHINATNAN? (MAS MABUTI PA ANG MGA BLOGGER!?)
PANAHON ngayon ng halalan at halos isang linggo nalang ay matatapos na ang pangangampanya ng mga kandidato na nagnanais maupo sa gusto nilang pwesto sa gobyerno,
Ngunit sa inyong palagay, sa kanilang ginagawang patutsadahan at siraan ng mga magkakatunggaling partido ay epiktibo kaya, gayung lumalabas na ang mga baho ng mga namumunong politiko? Dahil sa pagsisiwalat at nalalaman ng magkabilang partido? At matindi rito dating nonong magkaalyado, magkaibigan, ngayon magkalaban.
Kaya minsan napapaisip nalang tayo, dahil kung ang mga tumatakbo sa iba’t ibang posisyon ay may tinatagong kabalbalan, lalo na’t sa USA pa’ng korapsyon, aba’y sino pa kaya ang totoong maglilingkod sa bayan? Ibig sabihin lang, sino mang maluklok sa posisyon wala rin mangyayaring pagbabago. Naku, paano na mga kababayan ko? At pagkatapos ng May 12 midterm elections, may AYUDA pa kayang aasahan? O umpisa na mag-isip ang mga nanalo at natalo kung paano nila mababawi ang mga AYUDANG pinamigay nila.
Samantala, ano kaya ang kapalaran na naghihintay pagkatapos nitong halalan sa mga mamamayang Pilipinong totoong naghihikahos sa buhay? May aasahan pa ba tayong pag-angat ng kabuhayan ng mga kababayan natin? Hihinto na ba ang mga karahasang naririnig at nababalitaan at napapanood natin sa telebisyon? Ang pangako ba nila’y matutupad o mangangako ulit sa susunod na halalan!
Kaya minsan napapaisip tayo na mas mabuti pa ang mga blogger na kumikita sa sarili nilang pamamaraan sa kanilang pagba-blog ay nakakatulong sila sa mga taong kanilang nakakasalamuha sa malalayong lugar na kanilang pinupuntahan. Ano kaya kung maging-blogger nalang ang mga politiko?

