8 SENATORIABLES: OPISYAL NANG ININDORSO NG IGLESIA NI CRISTO

Opisyal nang pinangalanan ng Iglesia Ni Cristo ang kanilang pagkakaisahang iboto sa Senatorial Seat sa Mayo 12 Elecctions.
Sa ipinarating sa atin ng ating reliable source, na ayaw mapangalanan, ay opisyal na nilang natanggap ang sample ballot ng kanilang mga iboboto sa darating na May 12 2025 Mid-Term Elections.
Nakalimbag dito ang mga pangalan ng walong Senatoriables na kanilang iboboto sa darating na Lunes. Ito ay sina:
#8. AQUINO, BAM (KNP)
#11. BONG REVILLA RAMON JR. (LAKAS)
#18. CAYETANO, PIA (NP)
#22. DELA ROSA, BATO (PDPLBN)
#28. GO, BONG GO (PDPLBN)
#38. MARCOLETA, RODANTE (IND)
#39. MARCOS, IMEE (NP)
#66. VILLAR, CAMILLE (NP)
Nagtataka din ang ating source kung bakit walo lang daw ang nakalista sa kanilang sample ballot. Akay ng kanilang pananampalataya makikipagkaisa daw sila sa pasya ng kanilang pamamahala. Kilala ang mga myembro ng INC sa pagkakaisa pagdating sa halalan.
Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews