KALIWA’T KANAN NA PANAWAGAN SA RECOUNT AT IBA PANG ELECTION SABOTAGE SA BANSA, KASAMA ANG STO TOMAS BATANGAS
Nakaraan lang ay pinapagresign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng kanyang mga cabinete upang mai-realign ang mga ito, kapansin pansin din ang sigaw sa mga social media na sana sumama na si Chairman Garcia sa mga nagresign, dahil umano sa hindi magandang kinalabasan ng nakaraang elections.
Sa isang Press Media Forum na ginanap kamakailan, kasama ng mga supporters, ng tumakbong mayor at vice mayor sa Sto Tomas, Batangas na si Noli Sanchez, ay sama-sama silang nagfile ng kaso sa RTC Batangas sa reklamong election offense para sa disqualification ng kanilang kalaban sa pulitika.
Sa pangunguna ng kanilang legal counsel na si Atty. Estelita Cordero nagtungo ang grupo sa RTC upang ihain ang naturang kaso. Si Atty Cordero, na may Law Firm sa Narvacan, Ilocos Sur, ay kilala rin sa Abra at Ilocos Region. Nalawak rin ang karanasan nito pagdating sa pagiging election lawyer, at may marami nang bilang ng ipinanalong kaso.
Ayon kay Cordero malakas umanao ang mga ibedensyang hawak nila at may mga witness pa silang handang magpatunay sa kasong election offense na kanilang inihahain sa RTC Batangas.
Ilan umano sa mga botante ang nagsasabi na iba ang lumalabas sa kanilang mga ibonoto, kaya naniniwala din ang kanilang kampo na malakas ang kanilang laban sa kaso, sabi nga ay samahan nalang ng dasal.
Katotohanan lamang ang kanilang hanap sa naganap na may 12 elections, maging null and void ang proklamasyonng comelec sa mga nanalong kandidato sa Sto Tomas, at isusulong din nila ang manual recount ng mga balota sa kanilang lugar.
Buboi Partiarca para sa RoadNews


