DAPAT BANG KUMANDIDATO ULIT ANG WAGI, TALO NA TAGA-SHOWBIZ SA 2025 MIDTERM ELECTIONS SA MGA SUSUNOD NA HALALAN?
SA bawat laro, may taya, may itinataya, may tumataya, may nananalo, may natatalo.
Hindi napupuwera ang eleksyon–anumang klaseng halalan–bilang laro.
At hindi totoong ang laro ay hindi seryoso.
Siyempre, ang laro–depende sa mga motibo–ay pananaw na tradisyunal na laro lang.
Pero hindi dapat langlangin ang laro.
Ang laro kahit sinasabing magaang lamang na aspeto ng buhay ay mabigat na magaan.
Ito ang tinatawag sa Ingles na oxymoron.
Oxymoron sa pagkakahalayhay ng mga kataga.
Sa katatapos na midterm elections noong ika-12 ng Mayo, 2025, maraming artista o celebrity na tumakbo para sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan.
Sa mga kumandidatong ito, may mga nanalo, may mga natalo.
Simulan muna natin sa mga nagwagi sa Senado.
Tito Sotto (host ng “Eat Bulaga”); Erwin Tulfo (broadcaster at ang industriya ng broadcast sa Pilipinas ay showbiz din); Camille Villar (commercial model ng Villar businesses); Imee Marcos (film producer); Bong Go (aktor sa Tik Tok nila nina Robin Padilla at Phillip Salvador); Rodante Marcoleta (lumalabas sa net25); Bam Aquino (nakikilangkap sa showbiz activities nina Bimby, Joshua at Kris Aquino); Kiko Pangilinan (katambal ni Sharon Cuneta sa likod ng kamera at umaarte rin sa mga advertorial lalo na nitong nakaraang kampanya); Bato de la Rosa (ginawang pelikula ang buhay at mahilig ding umarte sa tunay na mga eksena ng buhay); Ping Lacson (ipinelikula ang buhay at akting din sa multimedia ad campaign); Pia Cayetano (health and fitness model) at Lito Lapid, tumataginting na action star.
Sa pagka-Gobernador.
Vilma Santos ng Batangas, Star for All Seasons; Daniel Fernando ng Bulacan, Action at Drama Star; Sol Aragones ng Laguna, Broadcaster dati sa showbiz na ABS-CBN; at nakikita naming may lahok na showbiz sa katawan ang ibang nagwaging gobernador dahil ang buhay ay showbiz, ang showbiz ay buhay.
Sa pagka-Bise-Gobernador.
Alex Castro ng Bulacan, Artista ng Star Network; Dodo Mandanas ng Bulacan, maraming kaanak sa showbiz.
Sa pagka-mayor.
Isko Moreno ng Maynila, Aktor; Vico Sotto ng Pasig, anak nina Coney Reyes at Vic Sotto; Lucy Torres ng Ormoc City, Leyte, modelo. ER Ejercito ang balik-Mayor ng Pagsanjan, Laguna.
Sa pagka-konsehal.
Angelu de Leon ng Pasig, Aktres; Aiko Melendez ng Quezon City, Aktres.
Sa pagka-kongresista.
Richard Gomez ng Fourth District ng Leyte, Aktor; Arjo Atayde ng First District ng Quezon City, Aktor.
Ilan lang ang mga ito sa mga nanalo sa iba’t ibang posisyon.
Wagi nga pala si Angelica Jones sa pagkabokal ng 3rd District ng Laguna.
Samantala, sa mga hindi pinalad sa Senado ay ang band member na si Marco Gumabao, Ramon “Bong” Revilla, Jr., Phillip Salvador, Manny Pacquiao, Willie Revillame, Willie Ong at iba pa.
Sa pagka-gobernador, talo sina Dan Fernandez, Karen Agapay, Ruth Hernandez sa Laguna samantalang hindi sinuwerte si Gem Castillo bilang bise-gobernador ng lalawigan.
Sa 2028 naman kaya, kakandidato pa rin ang mga talunang taga-showbiz?
Kung hindi nakalusot sa pagka-senador, sa ibang posisyon naman kaya lumaban sina Bong, Phillip, Manny at ang dalawang Willie?
Si Robin Padilla kaya, mangangahas pang tumakbo muli para bumalk sa Senado tatlong taon mula ngayon?
Si Dan kaya ay makaisip na makipagsabayan sa iba pang posisyon sa mga iniluluklok ng publiko?
Si Gem, hindi kaya,magsawa sa kapapangarap na makapaglingkod sa bayan?
Ang singer na si Darius Razon, kakandidato kaya siyang muli bilang konsehal ng Mandaluyong City?
Ang seksing aktres na si Ara Mina, hindi kaya madalang tumakbo bilang konsehala ng Pasig City?
Si Shamcey Supsup Lee, ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up, magka-interes pa kayang sumabak sa susunod na pilian?
Anong mahika at istratehiya naman kaya ang isasagawa ng mga talunang kandidatong taga-showbiz ngayong maraming reaksyon na hindi sapat na sikat para manalo?

