PINANGUNAHAN ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Atty. Don Artes ang seremonyal na pagbabasbas ng mga bagong kagamitan at dump truck sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project sa MMDA Motorcycle Riding Academy sa Pasig City nitong Mayo 20, 2025.

Ang mga kagamitang ito ay makakatulong sa MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa pagkontrol ng baha sa Metro Manila. Ang mga makabagong kagamitang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga residente ng Metro Manila. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkontrol ng baha, kundi pati na rin sa pagbibigay ng mas mabilis at epektibong tugon sa mga emergency situation.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsisikap ang MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan at pagpapatupad ng mga programa para sa maibsan ang problema ng mga residente ng Metro Manila kung sumasapit ang panahon ng tag-ulan.

Ang mga bagong gamit ng MMDA ay kinabibilangan ng:

apat (4) na backhoe units; walong (8)  loader trucks; dalawang (2) telescopic cranes; dalawang (2) excavators; limang (5) high-pressure vacuum, emptier, and watertight trucks; talto (3) na rubber boats; anim (6) na mobile pumps; labing-siyam (19) na dump trucks; apat (4) na power cleaning machines.   

(Buboi Patriarca)