HANDA KA NA BANG MAG-LEVEL-UP?
Sa mundo ng pagnegosyo at entrepreneurship, patuloy na nag-i-evolve ang mga modelo ng kitaan. Ang Multi-Level Marketing (MLM) ay isang matagal nang industriya na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na kumita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto at pagre-recruit ng iba.
Gayunpaman, ang traditional MLM ay may mga hamon tulad ng mataas na overhead costs, inventory management, at pressure sa recruitment.
Ngayon, isang mas moderno at sustainable na paraan ang lumalaganap ito ang kombinasyon ng MLM at ecommerce dropshipping. Bakit ito mas maganda? Narito ang mga nakikita nating dahilan at halimbawa:
Walang Inventory Hassle: Dropshipping Solves one of the Biggest MLM Problem. Sa traditional MLM, kailangan mong bumili ng maraming produkto bago ka makapagbenta, na nagdudulot ng malaking puhunan at risk ng pagkabaon sa utang.
Halimbawa itong si upline Jimmy, isang dating distributor ng isang beauty MLM, ay napilitang gumastos ng ₱50,000 sa inventory para lang upang maging Stockist ng kumpanya. Nang hindi niya maubos ang stock, nalugi siya at na-stuck sa mga produkto.
Sa MLM + Dropshipping, walang inventory na kailangang i-stock. Ang company na ang bahala sa pag-ship ng produkto diretso sa customer. Modernong Solusyon nga ang isang MLM company na gumagamit ng dropshipping model.
Bilang distributor, pwede kang magbenta ng mga beauty and wellness products nang hindi bumibili ng stock. Kapag may order, ang company na mismo ang magshi-ship, at kikita ka ng commission nang walang stress sa inventory.
Isa pang nakikita nating dahilan ang pagkakaroon ng mas malawak na market at online presence. Ang traditional MLM ay umaasa sa face-to-face selling at personal networks, na limitado ang reach. Sa panahon ng social media at ecommerce, mas malaki ang potential kung online ang negosyo.
Halimbawa itong si Robert, isang networker sa isang food supplement MLM, ay laging nakaasa sa mga home meeting at personal referrals. Nang dumating ang pandemic, bumagsak ang kanyang kita dahil hindi siya sanay mag-online.
Sa MLM + Ecommerce, pwede na syang magbenta sa Facebook, TikTok, Shopee, o Lazada. Ang mga systems tulad ng ‘automated sales funnel’ at ‘AI chatbots’ ay nakakatulong din sa kanya para makabenta sya 24/7 kahit tulog pa o may iba syang ginagawa.
Ang isang MLM na integrated sa Shopify ay pwede kang magkaroon ng sariling online store na may pre-loaded products. Kapag may bumili, automatic kang kikita, at pwede mo i-scale ang negosyo sa buong Pilipinas, hindi lang sa iyong barangay, pwede rin sa ibang bansa.
Ito pa ang isa, Passive Income through Affiliate Marketing & Automation, Sa traditional MLM, kailangan mong laging active sa recruitment at benta para kumita. Kung huminto ka, humihinto din ang kita. Sa MLM + Ecommerce, pwede kang kumita kahit may ibang ginagawa o minsan tulog pa, dahil yan sa affiliate links, digital products, at automated systems.
Halimbawa natin itong si Ana ay miyembro ng isang wellness MLM na may sariling app. Sa halip na manual ang tracking, ang sistema mismo ang nagre-record ng sales at referrals niya. Kapag may bumili sa kanyang referral link, automatic siyang kikita, kahit wala siyang kausap na customer.
Ang isang hybrid MLM na may sariling ecommerce platform. Pwede kang mag-recruit at kumita kapag ang mga miyembro mo ay nagbebenta online. Dahil digital ang process, digital at tuloy-tuloy din ang kita kahit hindi ka mag-hard sell.
High Risk High Rewards sabi nila pero paano kung limited resources ka? Kaya dito muna tayo sa Lower Risk pero Higher Scalability. Maraming nalulugi sa traditional MLM dahil sa malaking puhunan at pressure. Sa MLM + Dropshipping, mas mababa ang risk dahil sa mga sumusunod: Walang need mag-stock ng products; Pwede magsimula nang maliit (₱2,500-₱5,000 lang ang puhunan); Pwede i-scale globally (dahil online lahat).
Bigyan kita ng halimbawa, itong kumpanya ng OWN na isang hybrid na MLM na nag-o-offer ng dekalidad na wellness and beauty products, meron ding healthy beverages. Pwede kang pumili ng niche (wellness, skincare, healthy beverages) at magbenta saan mo man gusto. Walang pressure, at pwede kang kumita ng ₱10,000-₱50,000/month kahit part-time lang. Dahil hybrid ito pwede kang kumita sa mga referrals mo direct or indirect, face-to-face man o online kahit saang lugar pa yan.
Ang Ecommerce ay patuloy na lumalago ayon sa Google Philippines 1 out of 3 Filipinos ay mas gusto nang mag-online shopping. Ang MLM na may ecommerce integration ay mas sustainable kaysa sa old-school na modelo. Kaya ang tanong ko ngayon dapat ka na bang mag-shift sa MLM + Ecommerce?
Kung ikaw ay ayaw mag-invest sa malaking inventory, gusto ng flexible at online-based na negosyo, at gusto ng passive income through automation, iwan mo nayang old school MLM mo at hanapin mo ang MLM na may ecommerce at dropshipping. Yung totoong e-commerce ha baka naman sinasabing automated e-com lang pero manual parin naman. Maging mapanuri at huwag magpaloko sa mga matatamis ng pangako.
Sa panahon ng digital age, ang mga negosyong hindi umaayon sa teknolohiya ay mapag-iiwanan. Kaya kung nagpaplano kang pumasok sa networking industry, piliin ang may modernong paraan, ang MLM na integrated sa ecommerce at dropshipping!
Handa ka na ba mag-level up?
