GAWAD PARANGAL CHED REGION VIII
GINANAP ang isang Gawad Parangal 2025 sa pangunguna ng Commission on Higher Education Region VIII, para bigyan ng pagkilala ang mga nagsipagsulit na isinagawa ng Professional Regulatory Commission (PRC) sa iba’t-ibang kurso partikular para sa mga nagtamo ng Topnocher rating.
Mahigit sa 100 professionals ang ginawaran ng pagkilala na ginanap sa Mary Ngo Hall, Saint Paul of Professional Studies, Palo, Leyte, noong Mayo 27, 2025.
Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala si Ms. Gladys William Baleña, RN, nakakuha ng 90.60% rating na produkto ng Eastern Samar Estate University (ESSU) College of Nursing and Allied Sciences (CoNAS) at si Engineer Noel Justine Pillarda Lapada mula sa College of Civil Engineering sa ilalim ni Professor Andy Valles Baleña.
Ang nasabing okasyon ay kasabay ring ipinagdiwang ang Ika-5 Taon ng CHED Region VIII sa ilalim ni Maximo C. Aljibe, Ph.D., DPM, J.D., CESO III, CHED Regional Director.
(Art Tapalla)

