MAKE NO MISTAKES: HINAING NG KAWAWANG JEEPNEY DRIVER
ISANG simpleng vehicular accident ang naganap sa tapat ng exit area ng SM Taytay Rizal, dahil sa walang ingat na pagmamaneho ng isang motorcycle rider, na tila baga wala sa isip na buhay niya ang nakataya kapag minamaneho ang isang sasakyan lalo na kapag motorsiklo na dadalawa ang gulong, kaya nagulantang nalang ang rider ng palapit na siya sa exit o labasan ng mga sasakyan mula sa loob ng SM Mall. Saktong palabas umano ng kotseng kulay grey at sakto naman at di-inaasahan na nagkatabi ang kotse at jeep ng biglang nagulantang ang mga tao dahi umano sa lakas ng impact sa pagkabundol ng motorsiklo sa likorang bahagi ng kotse at tumilapon ito sa tagiliran ng pampasaherong jeep na bumibeyahe sa oras na yun. Nasugat at duguan ang kamay ng motorcycle driver at hilo tulelong sa lakas ng pagbalandra sa tagiliran ng jeep ng dahil sa naganap na aksidente. Ang nasabing aksidente ng tatlong sasakyan ay nangyari kumakailan sa nabangit na lugar.
Yupi ang tagiliran ng pampasaherong jeep dahil umano sa lakàs ng salampok ng motorsiklo at driver nito, ang drive ng jeep ay itinago sa pangalang Gel nasa hustong gulang, hiwalay sa asawa at nakatira sa Donya Dulo Barangay Poblacion Angono Rizal, samantala ang driver ng motorsiklo na itinago sa pangalang Balandraay nakatira umano sa Valley Golf. Cainta, Rizal.
Ayon sa pahayag ng driver ng pampasaherong jeep ng kapayanamin ng Hambalos ni Larry Rosales na taga ROADNEWS, ay nagulantang siya ng malakas na kumalabog sa tagiliran ng menamaneho niyang jeep, yung may ari naman ng kotse na sinalpok sa likuran ng motorcycle tahimik lang daw umano. Mabilisan nagresponde ang team ng road traffic accident, para mabigyan ng lunas ang dumudugong daliri ng rider ng motorsiklo, na pinamumunuan ni duty office RB. Dalanon.
Dinala sila sa Taytay Rizal Pulis Headquarters at dun silang tatlo inimbestigahan, at inabot sila ng hating gabi sa pulis investigations room at ayon sa nakalap nating impormasyon mula sa impormant, hindi na nagreklamo ang may ari ng kotse na ayaw magpabangit ng pangalan at nagkasundo ang driver ng motorcycle at jeep na kanya kanya nalang umanong.pagawa. Naiwan sa pulis investigations room ang driver ng motorcycle at driver ng pampasaherong jeep.
Dahil promdi ang driver ng pampasaherong jeep tila ayaw magsalita (na takot siguro) kaya tinawagan ng jeepney driver ang may ari ng jeepney na si Jhona, at di-nagka intindihan sa dahilang sinisingil umano ng nanay nung motorcycle ang driver ng jeep at may ari ng jeepney sa halagang 125k kabayaran dun sa napinsalang daliri.. Kaya kinausap ng may ari ng jeepney ang kanyang driver at nalaman niya ang totoo kaya nagkasigawan pa sa loob. Sinabihan sila na pwede kahit ninety thousand. Magbibigay ng 30k at sa susunod na buwan ang balance…at sinabihan ung may-ari ng jeep pag di nagbigay ng 30k kinaumagahan ikukulong ang driver at e-impound and pampasaherong jeep.
Umangal ang may ari ng jeep at sinabihan umano ang pulis na nag imbestiga, bakit ikukulong niyo ang driver at e-impound yung jeep samantalang sila ang bumaladra sa tagiliran ng jeep namin at ung jeep na pampasahero eh boundary hulog po parang rent to own.
Kaya dun nag tapos sa puntong iyon kundi umano magbibigay 30k sa umaga kakasuhan ang walang malay na driver, dahil bisaya kaya dinala sa prosecutor office ang jeepney driver na sa pagkakalam niya nasa katwiran siya . Sa parte ng vehicle accident dahil sa walang 30K umano na hinihinge nung ina ng motorcycle driver. Kawawang operator ng jeep at driver nito ang nadiin sa vehicle accident.
At napagalaman ko din na sinabihan umano sila ng demonyo halimbawang nagbigay sila ng 30k at di maibigay ang kulang balik kulong at impound.
Sa ngayon ay impound ang Jeep at nakakulong pa rin ang pobreng drayber!
(Larry Rosales)
