PINOY! HANDA NA BA SA CRYPTOCURRENCY TRADING?

kspho

Ang pag-trade ng legit na cryptocurrency sa Pilipinas ay isang magandang oportunidad para kumita, ngunit may mga panganib din lalo na’t napakaraming scam at pekeng kumpanya ang nagkalat ngayon. Dapat maging maingat ang bawat investor at trader para hindi mabiktima ng mga fraudulent na project.

Narito ang ilang tips paano malalaman kung legit ang isang Cryptocurrency:

Ang mga lehitimong cryptocurrency exchange (tulad ng Coins.ph, PDAX, at Binance PH) ay dapat rehistrado sa BSP o Securities and Exchange Commission (SEC). Iwasan ang mga kumpanyang walang regulatory approval.

Ang totoong proyekto ay may kilalang team na may verified LinkedIn at background sa blockchain. May malinaw na whitepaper at roadmap kung paano nila gagamitin ang pera ng investors. Uulitin ko malinaw na nakasulat hindi puro pangako lang.

Ang legit na crypto (tulad ng Bitcoin, Ethereum, o mga established altcoins) ay may purpose (hal. decentralized finance, smart contracts, remittance). Kung ang coin ay “too  good to be true” (sobrang taas ng promised returns), malamang SCAM ito.

Ang tunay na cryptocurrency ay nakalista sa reputable exchanges (Binance, Coinbase, Kraken, PDAX). Kung sa “sariling platform” lang nila mabibili, posibleng ponzi scheme. Eh pangarap palang ng may-ari na ilagay ito sa kilalang exchange? Magsaliksik may kakayahan ba ang may ari?

Ang mga scam ay madalas nangangako ng “get rich quick” schemes, tulad ng 100% return in 1 month. Ang legit na crypto ay hindi nangangailangan ng hype o pambobola para maniwala ang tao.

Ngayon magbabala naman tayo Laban sa mga Bagong Crypto Scams, Dahil Maraming bagong kumpanya ngayon ang nagpapakilala bilang “next big crypto” pero ang totoo, PONZI SCHEME o PYRAMIDING ang sistema. Narito ang mga dapat iwasan:

“Investment Platforms” na Walang Clear Product. Kung ang kumpanya ay puro “investment lang” at walang real blockchain project, posibleng scam yan.

High-Yield Programs (HYIP). Mga nag-ooffer ng 5-10% monthly return, tulad ng mga nangyari sa Vention Philippines, The Billion Coin, at mga clone ng Axie Infinity scams.

Fake Exchanges. May mga pekeng trading platforms na bigla na lang mawawala pagkatapos makakuha ng malaking pondo.

Final Reminder mula sa KSPHO: MAG-INGAT!

Huwag magpadala sa FOMO (Fear of Missing Out) – Kung lahat ay sumasali at nagmamadali, baka scam yan. O kaya naman ay pinipilit kang sumali ngayon kasi mura pa at pinamimigay pa ang token, baka raw bukas o kaya sa isang lingo o sa isang buwan may bayad na ang token nila.

DYOR (Do Your Own Research). Basahin ang whitepaper, tingnan ang team, at magtanong sa mga eksperto.

Gamitin ang trusted exchanges. Stick sa mga kilalang platforms tulad ng PDAX, Coins.ph, at Binance (kung sakaling bumalik sa Pilipinas).

Ang cryptocurrency ay maaaring magbigay ng malaking kita, pero mas malaki ang panganib kapag walang tamang kaalaman.

Trade wisely, and don’t fall for scams!