ROADNEWS ULAT PANAHON: Tropical Depression “CRISING”

Mula sa PAGASA Weather Bulleting na ipinaskil ngayong July 16, 2025 5PM, Ang Tropical Depression “Crising” ay kumimilos patungong kanluran-timog kanluran sa bilis na 20km/hr taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45km/hr malapit sa sentro at bugso na aabot ng hanggang 55km/hr. Ang sentro ng bagyo ay nasa 625km Silangan ng Virac, Catanduanes

Posibleng itaas ang signal No.1 sa ilang bahagi ng Cagayan Valley mamayang gabi o bukas ng umaga. Kung patuloy itong kikilos pakanluran maaring itaas rin ang Signal No. 1 sa probinsya ng Catanduanes.

Posibleng dumaan o tumama sa Cagayan o Babuyan Islands ang bagyo sa darating na biyernes ng gabi o sabado ng umaga, at lalabas ng PAR sa Sabado ng hapon o gabi

Inaasahang magiging Tropical Storm ito bukas ng umaga at maging Severe Tropical Storm sa Biyernes ng hapon o gabi, at tinatayang maging Bagyo bago tumama sa hilang Luzon.

Maghanda sa posibleng pagbaha at paglipad ng mga kalat sa mga lugar na apektado ng malakas na hangin.

Hinihila naman nito ang hanging habagat na nagdudulot ng manakanakang pagulan ngayon sa Palawan, Siquijor, Bohol, Camiguin, Southern Leyte Surigao del Norte at Dinagat Is.

Inaasahan naman ang pagiging maalon at malakas na alon sa mga baybayin ng Palawan, Catanduanes, Zamboanga del Norte, Camiguin, Surigao?Dianagat, Davao, at ilang baybayin ng Visayas.

Pinaiiwas na ang paglalayag ng mga maliliit na bangkang pangisda.

Manatiling LIGTAS at ALERTO!

(Darwell Baldos)