Pagtalakay sa Ordinance ukol sa mga Stray Animals Isinulong ni Hon. Telesforo Mallillin
CAUAYAN, ISABELA — Sa pangunguna ni Hon. Telesforo R. Mallillin, Chairman ng Committee on Elderly and Veterans, ginanap ngayong araw ang isang Committee Hearing upang talakayin ang mga usapin at alalahanin kaugnay ng Ordinance No. 2008-004, isang ordinansang naglalatag ng regulasyon sa mga stray animals at nagbibigay ng parusa sa paglabag dito. Ang nasabing pagpupulong ay nagsimula ng 2:30 ng hapon at pinamunuan ni Hon. Mallillin.
Kasama rin sa pagdinig si Hon. Benjamin “Benjie” J. Dy III, Pangalawang Alkalde ng Lungsod, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kabilang sina: Hon. Paolo Eleazar C. Delmendo, Hon. Cynthia U. Balayan, Hon. Thea Rose Ann A. Garcia, Hon. Paul Vincent R. Mauricio, Hon. Bagnos R. Maximo, Jr., Hon. Eugenio C. Asirit, IV, Hon. Leoncio A. Dalin, III, at Hon. Rufino C. Arcega.

(Photo Courtesy of Benjie Ikaw Na fbpage)
Upang mas lalong mapalalim ang talakayan, inimbitahan din ang mga Punong Barangay ng Poblacion area ng Lungsod ng Cauayan upang ibahagi ang kanilang mga pananaw at suhestiyon sa isyung tinatalakay.
Kabilang din sa mga dumalo sina Ms. Rose Ann M. Galiza, Administrative Aide I, na nagsilbing tagatala ng mga proceedings, at Ms. Susana A. Lauigan, Administrative Aide, bilang katuwang sa paggawa ng minutes ng pagpupulong. Naroon din si City Secretary to the Sanggunian Maureen T. Corpuz upang bantayan ang buong pagdinig, samantalang si Mr. Reynaldo R. Mamaradlo, LLSO IV, ay nakiisa rin para tumulong sa dokumentasyon ng hearing.
Layunin ng naturang pagpupulong na masuri ang bisa ng kasalukuyang ordinansa at maghanap ng mga karagdagang solusyon upang matugunan ang patuloy na problema sa mga stray animals sa lungsod. Inaasahang magkakaroon ng mga konkretong rekomendasyon matapos ang masusing talakayan.
(Weng Torres)
