July 27, 2025: SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA ARAW NG LINGGO?

kspho

Sa official gazette na inilabas ng palasyo ay mababasa ang Proclamation No. 729, na nagdedeklara ng Special Non-Working Holiday sa buong bansa sa July 27, 2025, bilang paggunita sa ika-111 anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo dito sa Pilipinas. Subalit, ang anunsyo na ito ay umani ng samu’t saring reaksyon sa social media, lalo na’t ang nabanggit na petsa ay araw ng Linnggo, isang regular na rest day para sa karamihan ng mga manggagawa at establisyemento. Napapatanong tuloy ang ilan: “Bakit kailangan pang ideklarang SNWH ang isang araw na walang pasok?

Silipin nating ang mga batayan ng Proclaamation No. 729, ayon sa pagintindi sa mababasa natin, ay ang pagkilala sa INC na isang malaking relihiyosong organisasyon sa bansa, at bahagi ng paggalang sa kontribusyon nito sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Ang July 27 ay tradisyonal na espesyal para sa mga kaanib ng INC, at ang pagdeklara ng holiday ay nagbibigay-daan sa mga kaanib nito na lubos na makalahok sa mga aktibidad ng organisasyon.

Sa karamihan redundancy na daw ang deklarasyon, dahil rest day nga naman ang araw ng Linggo, at wala daw itong praktikal na epekto ang deklarasyon ng SNWH. Punulaan pa ng ibang kritiko ang administrasyon dahil dito.

Silipin naman natin ang impact nito sa ekonomiya. May mga kilala kasi tayong nasa sector ng may mga operasyon o may pasok kahit araw ng lingo (hal. BPO, Hospital, etc). Ibig sabihin dahil sa holiday pay rules ay maaaring magdulot ang proklamasyong ito ng karagdagang gastos sa mga employers.

Ayon sa alituntunin ng Labor Code ang mga special non-working holidays ay pumatak sa araw ng rest day, may karagdagang 30% holiday pay ang mga empleyado sa ibabaw ng +30% rest day pay. Ngunit para naman sa mga walang pasok ay wala naman itong direktang epekto, maliban sa posibleng extension ng weekend celebrations. Ito yung dahil pumatak ng lingo ang holiday ay nagdideklara ang palasyo ng Lunes bilang holiday o kapag sabado naman ay gagawing Biyernes ang holiday.

Ang mga extensions holiday extensions ay nasaksihan na natin noon dahil may kakayahan ang pamahalaan upang mag extend ng holiday, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi saklaw ng pamahalaan ang pag deklara ng extension dahil sagrado sa mga kaanib ng INC ang araw na ito, at tanging pagrecognize laman ang kanilang kayang gawin.

Habang ang Proclamation 729 ay naglalayong parangalan ang INC, nagdulot naman ito ng mas malawak na diskusyon ukol sa bisa ng holiday declarations sa mga araw na walang pasok. Maaring magsilbing basehan ito para sa mas malinaw na polisiya sa hinaharap.

Para sa mga employer at empleyado, mahalagang kumunsulta sa DOLE guidelines upang matiyak ang tamang aplikasyon ng holiday pay rules sa July 27, 2025.

Sa kabila ng usapin, ang KSPHO ay bumabati po buong Iglesia Ni Cristo sa kanilang ika-111 taong anibersaryo. Ang INC na itinatag ng kapatid na Felix Y. Manalo noong 1914, ay nananatiling isang makabuluhang organisasyong pang relihiyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang dako ng mundo. Kinikilala natin hindi lamang dahil sa kanilang pagkakaisa kundi dahil sa massive humanitarian efforts na kanilang isinasagawa sa buong daigdig.

https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2024/10oct/20241030-PROC-729-FRM.pdf