Malaking Bato Gumulong sa Kennon Road, Bahay at Sasakyan Nadaganan

Baguio City | Isang malaking bato ang gumulong mula sa bundok at bumagsak sa Kennon Road sa Camp 7, Baguio City, ngayong hapon, na nadaganan ang isang bahay at sasakyan. Ang pangyayari ay nagdulot ng takot sa mga residente at motorista sa nasabing lugar.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM), walang naitalang nasaktan sa insidente, bagama’t may pinsala sa ari-arian. Patuloy pa rin ang pag-iingat dahil sa posibilidad ng karagdagang pagguho ng lupa at bato sa lugar.

Patuloy na binabantayan ng mga lokal na awtoridad ang sitwasyon, lalo’t may patuloy na pag-ulan dulot ng pananalasa ng Bagyong Crising sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Villy Valejo nag-uulat para sa RoadNews

(Photo Courtesy to the Owner)