BREAKING NEWS: Korte Suprema, Nagdeklara sa Impeachment Case Laban kay VP Sara na Unconstitutional
Sa isang landmark na desisyon, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte. Batay sa ruling ng korte, nilabag ng naturang reklamo ang constitutional safeguard na nagbabawal sa multiple impeachment complaints laban sa iisang opisyal sa loob ng isang taon.
Ayon sa Supreme Court, ang kasong isinampa ay sumalungat sa Section 3(5), Article XI ng 1987 Constitution, na nagsasaad na “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one year.” Ipinunto ng korte na may nauna nang impeachment complaint laban kay VP Sara noong nakaraang taon, kaya’t ang bagong kaso ay itinuring na ilegal.
Abangan ang karagdagang detalye sa mga susunod na balita.
(Darwell Baldos para sa RoadNews)

