P74.4-B supplemental budget sa PhilHealth, hirit ni JV sa zero-balance billing

Hiniling ni Senador JV Ejercito sa Senado na aprunahan ang panukalang dagdagan ng P74.4 bilyon subsidy sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang tugunan ang pangakong  zero-balance billing ng Universal Health Care (UHC) Law. 

Kasunod ito sa ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ikaapat na   State of the Nation Address (SONA), na aakuin ng gobyerno ang lahat ng gastusin ng bawat Filipinos sa lahat ng pagamutan ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Ejercito, pangunahing awtor ng   UHC Act, na bhiwalay ang naturang supplemental budget para sa Philhealth sa dagdag na alokasyon sa pagamjutan bilang pagtugon sa batas.

 “Sana ngayon ay totohanin na ang pagbibigay ng importansya sa UHC. Nandiyan na ang batas. Ang kulang na lang ay agresibong implementasyon at pondo,” ayon sa senador.

“Panawagan ko sa aking mga kasamahan sa Kongreso at kay Pangulong Marcos, agad natin ipasa ang supplemental budget para sa PhilHealth,” dagdag ni Ejercito. “Pondohan natin ngayon para masigurong wala nang babayaran kahit isang sentimo ang mga pasyente sa mga DOH hospital para sa basic accommodation.”

 Kabilang sa priority bills ni Ejercito sa 20th Congress ang panukalang P74.4 bilyong   Supplemental Appropriations sa PhilHealth. 

Sa ilalim ng panukala, gagamitin ang   PhilHealth premiums sa gastusin ng mahihirap na pamilyaang Filipino, senior citizens, persons with disabilities, at financially incapable patients, na nagkahalagang P53.1 billion.

Samantala, nakatakdang ilaan naman ang P21.2 bilyon para sa pinalakas na benefit packages kabilang ang pinalawag na  dialysis, mental health care, nutrition support, and outpatient services, at karagdagang P127.6 million na sasakupin naman ng  PAMANA beneficiaries sa conflict-affected areas. 

(Ernie Reyes para sa RoadNews)