BBM target ng panukalang mandatory drug tests sa lahat ng public officials ni Padilla
Ni Ernie Reyes
Kabilang ang Pangulo ng Pilipinas tulad ngayon si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang lahat ng elected at appointed public officials sa mga ng sangay at ahensniya ng pamahalaan ang kailangan dumaan sa mandatory drug test sa panukala ni Senador Robin Padilla.
Inihain ni Padilla ang Senate Bill No. 1200 nitong Lunes na naglalayong gawin ang mandatory drug testing sa lahat ng public officials kabilang ang voluntary random drug testing sa electoral candidates sa loob ng 90 araw bago maghalalan.
Kamakailan, nagbitiw si Nadia Montenegro, political officer ni Padilla matapos sumabit sa paggamit ng marijuana sa loob ng comfort room ng extension offices ng senador sa 5th Flood ng Senado. Mahigpit na itinanggi ni Montenegro ang paggamit ng bawal na gamot kahit may amoy at upos ang nakuha sa loob ng pinangyarihan ng krimen.
Sa kanyang panukalag Drug Free Government Act, iginiit ni Padilla na bilang empleyado ng public offices kabilang ang opisyal tulad ni Marcos, na dapat dumaan sa accountability measures tulad ng mandatory random drug testing alinsunod sa mandato sa pagtataguyod ng public welfare at tumulong na masugpo ang paggamit ng droga at pang-aabuso sa komunidad.
Nakatakda sa panukala ni Padilla na isasagawa ang drug testing sa dalawang pamamaraan: isang hair follicle drug test para sa initial screening na makikita kung positibo ang resulta at kung anong uri ng droga ang ginamit at pangalawa ang urine drug test para sa confirmatory testing na magpapatunay sa positibong resulta.
“Drug test certificates issued by accredited drug testing centers shall be valid for a one-year period from the date of issue, which may be used for other purposes,” ayon sa panukala.
Nakatakda din sa panukala ang mga sumusunod na papatawan ng mandatory drug testing”
– Applicants for driver’s licenses — No license shall be issued or renewed unless the applicant presents certification that he or she has undergone a mandatory drug test and is free from the use of dangerous drugs.
– All elected and appointed government officials, including those in government instrumentalities and government-owned and -controlled corporations, whether based locally or overseas.

“This also covers the president of the Philippines, who shall undergo an annual mandatory drug test through a hair follicle test,” ayon kay Padilla sa panukala.
Sakaling mapatunayan na positibo sa droga ang sinuman alinsunod sa panukala, nahaharap ito sa kasong administratibo na magsisilbing pamamaraan ng suspensiyon o terminasyon sa tanggapan alinsunod sa itinakda ng batas.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
