GAMBLING SITE NA NAKATANIM SA DIGITAL APPS, IPINASASARA NI GATCHALIAN

Ni Ernie Reyes

Lantarang kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan partikular ang regulator na kumilos kaagad laban sa online gambling operators na nakatanim sa kanilang platforms na malawak na ginagamit na digital applications.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na lubhang nakababahala ang ulat na napasok ng online gambling ang maraming platforms tuald ng messaging apps at e-commerce sites tulad ng Viber, Telegram at Lazada.

“I am deeply concerned by reports that online gambling has infiltrated some of the most widely used digital platforms, including messaging apps and e-commerce sites such as Viber, Telegram, and Lazada. This is a malicious and predatory practice that we should not tolerate,” ayon kay Gatchalian sa statement.

Nanawagan ang senador sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Information and Communications Technology (DICT) na “immediately order the delinking of online gambling sites from messaging and e-commerce platforms operating in the country.”

“Kung saan-saan sila nagsusulputan. Dapat mas mabilis ang aksyon ng gobyerno! Hindi puwedeng basta na lang gawing sugalan ang ating mga cellphone at online apps,” aniya.

Aniya, dapat maghigpit ang pamahalaan upang maiwasan ang gambling operators na samantalahin ang teknolohiya at online services na dapat maging magaan sa buhay ng Filipino. 

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews