LGUS EXECS, ILALAHOK SA BUDGET HEARING NG SENADO – ESCUDERO
Ni Ernie Reyes
Nais ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ilahok ang local government executives sa public hearing ng pambansang badyet upang maging transparent sa deliberasyon ng pinakamahalagang batas ng bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na matagal nang naisasantabi ang LGUs sa deliberasyon ng badyet kaya’t napapanahon ang panukala na inirekomenda kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance.
“They have been sidelined for too long. It is now time to give them a seat at the table,” ayon kay Escudero
Aniya, maaaring imbitahan ang gobernador o alkalde na maging aktibong bahagi ng public hearing sa Senado sa 2026 national spending package sa pagsasabing: “a break from long-standing practice that excluded them from the legislative crafting of the country’s most important expenditure measure.”

Ipinaliwanag pa ni Escudero na kahit palaging dumadalo sa pagdinig ang opisyal ng pamahalaan sa Senado upang ipagtanggol ang kanilang badyet, napapanahon na para sa local chief executives – pawang lider na responsible sa pag-iimplementa ng maraming proyekto – na mabigyan sila ng lugar na maipabatid ang kanilang pananaw hinggil sa pambansang badyet.
“Kung mga division heads ng maliliit na bureaus ay dumadalo sa budget hearings, bakit ang mga pinuno ng mga probinsya at malalaking lungsod ay hindi?” tanong ng veteran legislator.
Naniniwala si Escudeero na makatutulong ang local government executives sa pagsusuri at paghimay kung tutugon ang partikular na badyet sa panganganilangan ng kanilang constituents.
“The perspectives of leaders on the ground are invaluable in determining which projects are necessary and which are not. They can also help flag possible overpricing in the appropriations being requested,” giit niya.
Iginiit ng senador na maraming nakalistang proyekto sa badyet na hindi ikinokonsulta sa LGUs dahil sa pulitika kaya nasasayang ang pondo at nagiging white elephant.
“Teritoryo nila ang mga ito. Kaya sila ang mas makakasagot kung kailangan nga ba talaga. Their feedback is too important to be ignored,” ayon kay Escudero.
“One way to achieve this is by requiring the approval or endorsement of the respective Provincial Development Councils and the Regional Development Councils for all development projects so that, at the very least, each LGU will be informed and notified of the proposed programs and activities of the national government in the ensuing year,” giit pa niya.
