FLOOD CONTROL IS A FLOOD MONEY!

edizon

PULSO NG MASA ni Edizon Cancino

Kasalukuyan pa rin ang pag iimbistiga ng blue ribbon committee sa senado sa pangunguna ni Sen. Rodante Marcoleta bilang Chairman, Ito ay kanyang tinutukan ngayon upang mapanagot kong sinu-sino ang sumalaula sa pera ng bayan.

Sa mga pinuntahang lugar ni Pangulong Bongbong Marcos upang inspeksyonin ang mga umanoy pinaglaanan ng mga pondo para sa flood control. Isa lamang ang Calumpit Bulacan sa maraming binisita ni PBBM sa project ng gobyerno na flood control. Ito’y pinaglaanan ng 77.1 Milyon pesos at ang kontratista dito ayon sa mga nakuha nating impormasyon ay ang St. Anthony Construction, ngunit pagkadismaya ang nakita ng Pangulong BBM, sapagkat ang report sa kanya ay “project completed” na umano subalit hindi pa ito tapos ang ibang bahagi pa nga nito ay hindi ayon sa standard na pagkakagawa. Sa makatuwid ay sub standard, ano pa nga ang aasahan eh may sub contractor eh! Kaya sub standard nga! Ang tanong nating may ghost project pa! Walang naitayong proyekto ngunit nasaan ang pera?!

Sa Column natin sa ROADNEWS noong nakaraan ay nailabas na natin Ang usaping Ito, POLITO: NEGOSYO MO, KONTRATA MO, SUPLAYAN MO, PORSYENTO MO! gamit Ang pera ng gobyerno na nangagaling sa mga buwis ng Mga Pilipino.

Sa usapin Ito ay di maipagkakaila na naging talamak ang kurapayon na nangyari at marami ang nakinabang na nagpapakasasa sa pera ng bayan, masakit pakinggan na ang pinakakain sa pamilya mo ay galing sa nakaw Ngunit may katotohan na nangyayari, serbisyo pa nang matatawag ang ginagawa ng nakaupo sa mataas na posisyon ng gobyerno kung pangungurakot ang kanyan mithiin sa kanyan posisyon? Malamang sa malamang ay nagpapayaman lamang!

Samantala ngayon ay may tumindig na sa Senado upang mapanagot ang mga kawatang ito? Obserbasyon natin sa pagiimbistiga ni Sen. Rodante Marcolta ay malinaw na may mga matataas na katungkulan sa gobyerno ang mga sangkot.

At kung sakali mang magtagumpay ang blue ribbon committee sa imbeatigasyong may katumbas o karampatang parusa ba ang nakaalan para sa mga kawatan na ito? At matitigil na kaya ang ganitong karimarimarin na gawain nila?

Hirap sa pag angat ang Pilipinas ngunit pag dumarating ang eleksyon National manyan o Local ay bumabaha naman ng pera na pang AYUDA!