Ulat Panahon: LPA 09d isa ng ganap na Bagyo!

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Low Pressure Area (LPA 09d) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay isa ng ganap na Tropical Depression at pinangalanang “Mirasol” ngayong ika-16 ng Setyembre 2025, alas-2:00 ng hapon.

Samantala, ang isa pang Low Pressure Area (LPA 09c) na nasa loob rin ng PAR ay may mababang tsansa na maging isang tropical depression sa susunod na 24 na oras.

Ang TD Mirasol ay magdudulot ng malawakan at pulu-pulong pagulan sa mga rehiyon sa buong bansa. Mahigpit na pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na masubaybayan ang mga susunod na update para sa mga karagdagang impormasyon at mga pag-iingat.

Mark Anthony Marcelo nag-uulat para sa RoadNews