MALACAÑANG GUSTONG KASUHAN SI CHAVIT NG INCITING TO SEDITION
Nananawagan si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa mga awtoridad na imbestigahan at papanagutin sa ilalim ng batas ang negosyante at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson. Ang panawagan ay kasunod ng mga pahayag ni Singson na umano’y naghihikayat ng isang rebolusyon laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Castro, nararapat na pag-aralan ng Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG) kung may sapat na batayan upang isakdal si Singson sa kasong Inciting to Sedition.

Giit nio Castro na hinimok ni Singson ang mga kabataan, partikular na ang mga nasa high school at kolehiyo, na huwag pumasok sa kanilang mga paaralan hangga’t hindi bumababab sa pwesto ang mga indibidwal na nais nilang alisin. Dagdag pa ni Castro, hinikayat din umano ni Singson ang mga magulang na hayaan ang kanilang mga anak na makibahagi sa isang rebolusyon laban sa katiwalian.
Ang kasong inciting to sedition ay isang krimen na maaaring ipataw sa sinumang nag-uudyok o naghihikayat sa publiko na gumawa ng mga gawaing maaaring ituring na sedisyon, kahit na ang indibidwal ay hindi direktang nakikilahok sa mismong pagkilos.
Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews
