Chiz Pumalag Sa Paratang Ni Usec Bernardo Sa Flood Control Scam

Ni Ernie Reyes

Mahigpit na pinabulaanan ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang paratang ni dating Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo sa pagkakasangkot sa multi-billion flood control projects.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na wala siyang nalalaman sa anumang akusasyon ni Bernardo dahil mismo ang dating opisyal ng DPWH ang nagsasabing “wala itong direktang kontak” sa mambabatas.

“I vehemently deny the malicious allegations and innuendos made by former DPWH Usec. Roberto Bernardo in today’s Senate Blue Ribbon Committee,” ayon kay Escudero.

Sa kanyang testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee, idinawit ni Bernardo si Escudero dahil nakatanggap umano ang dating Senate chief ng halagang P160 milyon sa ilang flood control projects.

Ayon kay Bernardo na isang Maynard Ngu, kinilala nito bilang close friend at campaign contributor ni Escudero, na tumanggap ngp160 milyon.

“Ito po ay 20 percent ng PHP800-million na allocation sa Valenzuela at Marinduque projects,” aniya.

Pero, ayon kay Escudero, walang direktang pahayag si Bernardo na mayroon siyang personal na kontak o direktang nakikipag-ugnayan sa kanya kaya’t lahat ng paratang nito ay pawang kasinungalingan.

“By his own admission, he never had any contact with me directly regarding this matter—and I will prove that he is lying about my alleged involvement,” ani Escudero.

“It seems like there is a well-orchestrated plan to attack the Senate and its members to destroy and discredit the institution and to divert the public’s attention from the real perpetrators,” dagdag pa niya.

Kinuwestiyon din ni Escudero ang isyu na palaging senador ang itinuturo ng mga saksi hinggil sa flood control anomalies pero hindi binabanggit ang ilang sangkot na kongresista sa anomalya.

“Puro talaga senador ang tinuturo?! Nasaan si Zaldy Co? Nasaan na si Rep. Martin Romualdez sa lahat ng ito?!Nasaan ang mga kasabwat nya?! Kung babasehan natin ang testimonya ni Usec. Bernardo, wala sila lahat kasalanan o kinalaman dito. Di naman ata ito kapani-paniwala,” ani Escudero.

Aniya, “sobra naman nang paglilihis at paglayo nila sa tunay na salarin ang sarswelang ito!”

“Maging ganun pa man, haharapin at lalabanan ko ito at maghahain ng karampatang demanda laban kay Usec. Bernardo sa mga binitiwan nyang walang saysay at basehan na paratang,” ayon kay Escudero.

Sinab ni Escudero na sa loob ng 27 taong sa public service, hindi siya nasangkot sa anumang uri ng anomalya o corruption.

“That record speaks for itself. I believe that when all the facts are revealed, my name and my service will remain untarnished,” ayon kay Escudero. 

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews