Pagtatayo ng 6 bagong SUCs, APRUBADO SA PALASYO!
Ni Ernie Reyes
Tuluyan nang nilagdaang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapatayo ng anim na bagong State Universities and Colleges (SUCs) sa ilang panig ng bansa upang palakasin ang programa ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.
Iniulat ni Senador Alan Peter Cayetano, pangunahing sa awtor at isponsor ng panukalang batas na nagtatag nito, na tuluyan nang nilagdaan ang mgat na magtatatagng bagong SUCs sa ilang lalawigan sa kauna-unahang pagkakataon.
Aniya, naging epekto ang mga batas na nitong September 15, 2025 na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga estudyante sa probinsya, makakatulong sa pagpapaluwag ng mga unibersidad, at magbibigay ng mas malawak na pagpipilian ayon sa kanilang kakayahan.
“Most of our state universities ay overcrowded. The net effect of having more local state universities ay y’ung iba made-decongest, and not having to leave your province,” ani Cayetano.

Ang anim na bagong batas ay ang mga sumusunod:
1. RA 12294 – Pag-convert ng Baao Community College sa Camarines Sur bilang Rinconada State College
2. RA 12295 – Pagsasama ng mga campus sa Dumingag, Lakewood, at Pagadian City bilang bahagi ng Zamboanga del Sur State University
3. RA 12296 – Pag-convert ng Sulu State College sa Jolo bilang state university
4. RA 12298 – Pag-convert ng Aurora State College of Technology bilang Aurora State University of Science and Technology
5. RA 12299 – Paglikha ng Dinagat Islands State College, ang kauna-unahan sa probinsya
6. RA 12300 – Paglikha ng Sarangani State College, ang unang kolehiyo ng estado sa lugar
Kasabay nito, muling nanawagan si Cayetano ng mas malaking pondo para sa state universities and colleges (SUCs).
Nagbabala siya na ang mga budget cut, lalo na sa ilang SUCs sa Cordillera, ay maaaring maging hadlang sa kanilang tungkulin.
“It’s a demand. Kung [ang] young people, they start demanding talaga — ‘You give us less talk and put more money in education’ — it will happen,” wika ni Cayetano.
Binigyang diin din ng senador na dapat magkaisa ang mga mambabatas sa usapin ng edukasyon. Aniya, ang edukasyon pa rin ang susi sa pag-unlad ng bawat Pilipino.
“Let’s provide good soil or the environment so that the seed can prosper. This is one issue we could all agree on, access to quality education is a right, not a privilege,” wika niya.
“Let us provide Filipino families, especially the poor, the kind of education that would make their lives better,” dagdag niya.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
